ANG trabahong ito ay hindi para sa mga baby boomers kundi para sa mga millennials na mahusay sa paggamit ng computers.
Napaka-convenient nito para sa Generation Z (as in laZy, as in Gen Zzzzz …) na walang ginawa sa araw-araw kundi ang maglaro sa laptop o cellphone. Mag-set ka ng sarili mong oras, pumili ka ng projects na gusto mo, at gumawa ng portfolio at negosyong ipagmamalaki mo – maging freelance graphic designer.
Pero bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang ibig sabihin ng graphic designer. Ano ang definition ng graphic design?
Ito ay art o profession na gumagamit ng design elements tulad ng typography at images, upang maipahayag ang impormasyon o makalikha ng effect also.
Para sa marunong nito, madali lang ang graphic designing. At para naman sa mga hindi marunong, madali lang itong matutuhan basta matiyaga ka. At mayroon kang tinatawag na creative thinking, aptitude sa art and design, at oras at dedikasyon para matuto. Kailangan sa graphic design na matuto ka ng necessary tools, at maintindihan at mai-apply ang the principles and theories ng design.
May 8 types ng graphic design. Ang : Visual identity graphic design; Marketing & advertising graphic design; User interface graphic design; Publication graphic design; Packaging graphic design; Motion graphic design; Environmental graphic design; at Art and illustration for graphic design.
Napakagandang career ng graphic designing para sa mga taong creative thinkers at nag-i-enjoy sa art, technology, at communication. Ito ang mga design na kailangan sa bawat industriya, kaya napakaraming oportunidad sa mga Graphic Designers.
May apat na klase ng graphic designers. Ang Brand Identity and Logo Design; Packaging Design; Web and Mobile Design; at Layout and Print Design. Ang halimbawa ng Graphic design ay ang practice ang composing and arranging ng visual elements sa isang project. Ang pagde-design ng layout magazine, paggawa ng poster at pagde-design ng packaging sa isang produkto ay halimbawa ng graphic design.
Kung sa kasamaang palad ay wala ka pang alam sa mgabagay na ito, may magandang balita tayo. Hindi mo kailangang magtagal sa school para matutuhan ang techniques. Sapat na ang lima hanggang anim na buwan para matuto nito. Yun nga lamang, kailangang meron ka ng mga sumusunod: creativity. Ang mga Graphic Designers ay kadalasang inaatasang mag-develop ng bago at kakaibang ideya; Communication. Dahil ang Graphic design ay visual communication, kailangang mahusay ang kanyang communication skills – syempre naman, dahil yan ang puso ng trabaho ng Graphic Designer. Strategy. Obvious ba? Para maintindihan, gamitan ng estratehiya. Problem solving. Kaya ka nila kinuha, kasi, may problema. Resolbahin mo. Time management. Gosh, huwag tanggap ng tanggap ng project na hindi mo naman matatapos. Kalurkey kaya pag nagkapatong-patong hindi natatapos ang projects. KAYE NEBRE MARTIN