HALOS tatlong beses na nakahahawa ang Omicron subvariant kumpara sa orihinal na bersyon ng Omicron coronavirus variant.
Ito ang inihayag ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung saan kasalukuyan aniya itong kumakalat sa Estados Unidos.
Dagdag ni Vergeire, lumalabas sa mga unang pag-aaral na ang BA 2.12 ay nagdudulot ng hindi gaanong malubhang sakit kaysa sa orihinal na Omicron.
Hindi rin aniya ito inuri ng World Health Organization bilang variant of interest o variant of concern.
Samantala, hindi rin binabawasan ng DOH ang posibilidad na may iba pang kaso ng BA.2.12 sa Pilipinas.
Muling nilinaw ng DOH na hindi pa rin maituturing na “variant of concern” ang OMICRON Ba.2.12 sub-variant na nakapasok sa bansa matapos tamaan ang 52-anyos na babaeng taga-Finland.
Sinabi ng DOH na posible umanong na-infect ito sa biyahe niya papunta sa Pilipinas, o ‘di kaya’y paglapag nito sa bansa.
Bagamat halos tatlong beses na mas nakahahawa ang nasabing variant, hindi pa rin ito magdudulot ng malalang mga sintomas.