KUMPISKADONG DROGA NG BOC INILIPAT SA PDEA

PAMPANGA-INILIPAT sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nakumpiska mga droga ng Bureau of customs (BOC) sa Clark International Airport (CIA) Port of Clark nitong Pebrero.

Ayon sa report kasama sa mga nai-turn over ay ang 3,215 piraso ng Ecstacy, Marijuana, Vape Cartridges, gummies at hemp cream.

Kakaharapin ng consignee ang patong-patong na kaso dahil sa paglabag ng Sections 118 (g), 119 (d) at 1113 (f) ng R.A. No. 10863 O Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa R.A. No. 9165 O Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa PDEA ang cannabis at marijuana ay kinokonsidera na isang dangerous drugs at kinakailangan i-regulate ng PDEA at Food and Drug Administration (FDA). FROILAN MORALLOS