KUMPIYANSA NG HEALTH WORKERS SA PQUE TUMAAS NANG MABAKUNAHAN

TUMAAS ang kumpiyansa ng ang mga health worker sa Ospital ng Paranaque matapos na maturukan ang mga ito ng Sinovac vaccine kamakailan.

Ayon kay Ospital ng Paranaque 1 & 2 (OsPar1&2) medical director Dr. Jefferson Pagsisihan, isa sa mga naturukan ng bakuna kontra COVID-19 na naging kampante ang kanilang pakiramdam sa nasabing vaccine.

Kaya’t hinihimok nito ang mga residente sa lungsod na samantalahin ang oportunidad na tumanggap ng karagdagang proteksiyon hindi lamang sa sarili kundi pati sa sariling pamilya sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng Sinovac o kayaay AstraZeneca na dumating na nitong Linggo ng alas-7 ng gabi na may 38,400 doses.

Sinabi pa nito,normal naman sa isang tao namagkaroon ng pagdududa at takot ngunit ang kanyang pamumuno bilang isang lider sa ospital ay nakatulong sa mga residente na mapagtagumpayan at burahin ang lahat ng kanilang naririnig na negatibong pananaw tungkol sa naturang vaccine.

“Nagpapasalamat po ako sa Panginoon dahil nakaramdam lamang po ako ng banayad na discomfort kung saan ako binakunahan na nawala din naman makaraan ang isang araw. Wala pong allergic reaction, lagnat at sakit ng katawan. Ito po ang kalimitang bakuna na regular na aking natatanggap. Sa ngayon po ako symptom-free,” ani Pagsisihan. MARIVIC FERNANDEZ

2 thoughts on “KUMPIYANSA NG HEALTH WORKERS SA PQUE TUMAAS NANG MABAKUNAHAN”

  1. 666481 751786This constantly amazes me exactly how weblog owners for example yourself can locate the time and also the commitment to maintain on composing amazing blog posts. Your site isexcellent and one of my own ought to read blogs. I merely want to thank you. 565136

Comments are closed.