(SINING AT KULTURA / ni CYRILL QUILO)
NITONG nagdaang Pebrero, bukod sa Valentine’s Day ay ipinagdiriwang din natin ang Sining o Arts Month. Sa mga ganitong buwan ay ipinakikita ang talento ng mga Filipino sa iba’t ibang panig ng bansa. Ipinagmamalaki rin at ipinaaalala ang mga kakayanan sa musika, sining, pagtatanghal at panitikan. Binibigyang halaga rin ang mga naging bahagi ng kasaysayan at kultura.
Isa ang Laguna sa mayaman sa kasaysayan sapagkat dito ipinanganak ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. At dahil nais paunlarin at pagsikapang pagyamanin ang mga nakasanayan na, isang samahan—ang Calamba Cultural Heritage and Historical Society (CCHHS) na binuo noong Hulyo 2018. Isang samahan ng Non-Government Organization na naglalayong palawakin ang kaalaman at pagyamanin o bigyang halaga ang kasaysayan at kultura. Nais din ng grupo na ibahagi at tuklasin ang mga talentadong artist, performers sa naturang lugar.
Proyekto ng CCHHS na ipakita ang pagsasagawa ng lectures, workshops, painting exhibits sa mga kabataan at mamamayan ng Laguna. Kaugnay nito, isang proyekto ang sumibol at nais gawing tuloy-tuloy na magmamarka o tatatak sa grupo, ang “KUN DI MAN 2, Tataya Ka Ba?” (Himig, Arte. Bigkas).
Kun ‘di man ikaw o kun ‘di man ako, ilang salita gamit ang mga linyang ito na maaari mong dugtungan depende sa taong may “hugot lines”.
Isa itong open mic event, spoken poetry at acoustic music na naglalayong ma-promote ang kaalaman ng kasaysayan at kultura sa Calamba na ginanap sa Lolo Adiongs Restaurant, Calamba City nitong February 29, 2020 sa ganap na alas-7 ng gabi. Dinaluhan at nakibahagi ang mga manonood na magtanghal sa entablado. Hindi lang ito tinangkilik ng millennial, maging ang propesyunal sa iba’t ibang lugar ay dumalo sa nasabing okasyon.
Naging matagumpay ang pagdiriwang ng National Arts Month sa Calamba, Laguna na siyang pagpapatunay na buhay sa ating dugong nanana laytay ang pagkamata, maging makabagong henerasyon man o hindi.