KUNG AYAW MONG MA-BYPASS OPERATION, KUMAIN KA NG TAMA

Nagkakaroon ng tinatawag na atherosclerosis kapag naipon ang fatty deposits sa artery walls. Siguro, narinig na ninyo ang kundisyong clogged arteries o hardening of the arteries, na nangangailangan ng bypass operation o kaya naman ay angioplasty.

Sa isang banda, kung kakain tayo ng tama, hindi na kailangan ang operas­yon. Kumain tayo ng gulay, prutas, at isda upang mabawasan ang risk ng pagkakaroon ng atherosclerosis at sakit sa puso. Hero ang mga dapat kainin:

Berries

Kahit ano pang berries yan, blueberries, strawberries, cranberries, raspberries, blackberries kahit pa ang  duhat at kalumpit, pwede yang makatulong. Maraming health benefits ang prutas, lalo na ang berries. Nakakabawas sila sa pamamaga, naiaayos ang heart health at nagsisilbi pang detoxifier. Ang mga berries ay puno ng fiber, vitamins, minerals, at plant compounds. Meron din itong flavonoid antioxidants na nakatutulong sa kalusugan. Nakababawas ito sa atherosclerosis risk factors, pinatataas ang LDL, binabawasan ang bad cholesterol, inaayos ang blood pressure, pati na ang blood sugar level. Nakakatulong din ang mga berries na alisin ang bara sa mga arteries sa pamamagitan pagpapagaling sa pamamaga.

Beans

May health benefits talaga ang beans dahil kaila­ngan talagang kumain ng fiber-rich foods like beans upang makaiwas sa atherosclerosis. Nakakatulong din ito upang maiayos ang cholesterol levels at maiayos ang mga baradong arteries. Nakakabawas din ito sa bad cholesterol.

Fish

Laging sinasabi sa atin ng mga duktor na nakakatulong ang mga pagkaing may essential nutrients kasama na ang omega-3 fats. Maya­man ang isda dito. Sa pagkain ng omega-3-rich fish, maiiwasan ang atherosclerosis. Ayon sa pag-aaral, nakakatulong ang omega-3 na maiwasan ang expression of cellular adhesion molecules, protinang pinapayagan ang cells na dumikit sa isa’t isa at sa kanilang surrounding – na nagiging sanhi ng pamamaga, na nagiging sanhi naman upang mabatahan ang arte­ries, na eventually ay nagi­ging sahi ng sakit sa puso.

Kamatis at tomato products

Ang mga kamatis at tomato products ay may plant compounds na nakatutulong upang mabawasan ang development ng atherosclerosis. Halimbawa, meron itong carotenoid pigment lycopene, na napakaganda sa kalusugan. Ayon sa pag-aaral, kung marami tayong kinakaing lycopene-rich tomato products, mababawasan ang inflammation, mabu-boost ang HDL (good) cholesterol, at mababawasan ang risk ng sakit sa puso. Mas maganda raw kung pagsasamahin ang kamatis at  olive oil dahil nakaaalis ito ng bara sa arteries.

Onions

Maraming ayaw kumain ng sibuyas dahil medyo hindi maganda ang amoy nito sa bibig, pero napakarami pala nitong health benefits lalo na sa puso. Meron itong sulfur compounds – kaya pala mabaho – na pumipigil sa pamamaga ng blood vessel, pinangangalagaan ang paglapot ng platelets sa dugo at pinararami ang nitric oxide.  Lahat ito ay nakatutulong maiwasan ang athe­rosclerosis at maiayos ang kalusugan ng artery.

Citrus fruits

Hindi lamang masarap ang mga Citrus fruits kundi napakarami pang bitamina at mineral na makabubuti sa katawan. Meron din itong antioxidants kasama na ang flavonoids na nakababawas sa pamamaga at nakahaharang sa free radicals ng katawan sa pamamagitan ng pag-oxidize sa bad cholesterol.

Spices

Hindi lamang pampasarap ng pagkain ang spices, malaki rin ang naitutulong nila sa kalusugan. Kasama sa mga spices na dapat ay lagit nating nakakain ang mga sumusunod: luya, paminta, sili at cinnamon dahil nakakatulong silang alisin ang bara sa mga arteries.

Meron silang anti-inflammatory properties at nakatutulong na labanan ang mga free radicals, maiayos ang blood lipid levels, at bawasan ang paglapot ng dugo.

Pwede silang isama sa oatmeal, soups, stews, o kahit anong drinks para hindi naman kayo mapipilitang kainin ito ng solo.

Flax seeds

Masasabing maliit na powerhouses of nutrition ang flax seeds. Mataas sila sa fiber, healthy fats, vitamins, at minerals, kasama na ang calcium at magnesium. Kailangan din ito upang makaiwas sa atherosclerosis, at nakakabawas pa ng 40% sa plaque formation.

Gulay

Mga gulay na tulad ng broccoli, repolyo at cauliflower ang kailangan mo sa iyong diet upang makaiwas sa pag-develop ng baradong arteries. Sa pagkain daw ng mga gulay na ito, nababawasan ang carotid intima-media thickness at arterial calcification at nakakaiwas sa kamatayang dala ng      aerosclerosis-related di­sease. Ang arterial calcification kasi ay nagiging sanhi ng paninigas ng arteries sa atherosclerosis.

Beets

Mayaman ang beets sa nitrates na nagiging nitric oxide, na nakatutulong sa katawan. Kapag may namamaga, nababawasan ang nitric oxide production. Kung madalas kang kumain ng beets, mai-improve ang blood vessel function at mababawasan ang pamamaga kaya maiiwasan ang atherosclerosis-related death.

Oats

Kung may atherosclerosis na o nais lamang makaiwas sa baradong arteries, makatutulong ang pagkain ng oats, kasama na ang pagbabawas sa bad cholesterol.

Meron itong antioxidants na tinatawag na ave­nanthramides, na nakatutulong upang makaiwas sa inflammatory proteins na cytokines, pati na sa adhesion molecules.

Nakatutulong din umano ang oat fiber intake sa pagpapababa ng risk ng pa­ngangailangan ng revascularization — isang procedure upang palakasin ang oxygen delivery sa puso at iba pang bahagi ng katawan.

Nuts and seeds

Dahil sagana sa protina, fiber, healthy fats, vitamins, and minerals, malaki ang naitutulong nito sa katawan. Makatutulong ito sa pag-aa­lis ng bara sa arteries, nakababawas sa bad cholesterol at naiaayos ang blood pressure bukod pa sa nakatutulong na mai-boost ang good cholesterol. Naiaayos din nito ang blood sugar le­vels na makatutulong upang makaiwas sa diabetes.

Berdeng dahon

Alam na natin kung ano ito. Talbos ng kamote, kangkot, etchetera, ang makatutulong upang makaiwas sa atherosclerosis. Source sila ng dietary nitrates na nakatutulong na mapabuti ang blood vessel function at mabawasan ang pamamaga.

Meron din silang potassium na nakatutulong upang maiwasan ang vascular calcification, plus, nakababawas daw ito sa posibiliddad na magkaroon ng sakit sa puso.

Cocoa and dark chocolate

Yehey! Nabanggit din ang cocoa and dark chocolate products na paborito ko. Nakatutulong ito upang maiwasan ang atherosclerosis. Nakakabawas din umano ito sa possibility ng stroke dahil mayaman sa polyphenol plant compounds. Ayon sa pag-aaral, sa pagkain ng 40 grams ng dark chocolate, nai-improve ang walking time at blood levels ng nitric oxide.

Olive oil

Tulad ng iba pa na­ting nabanggit, nakatutulong ang olive oil na maiwasan ang atherosclerosis, nakakatulong upang maiayos ang bloodvessel function at nakakabawas sa pamamaga dahil sad ala nitong  polyphenol compounds.

Mas maganda raw kung ang mapapasakatawan ay extra virgin olive oil dahil meron itong significantly greater amounts of polyphenols.

Sa madaling sabi, ipinapayo namin ang healthy diet na mayaman sa nutrient-dense foods ay makatutulong upang maalis ang bara sa arteries na hindi nanga­ngailangan ng operasyon. Hindi naman siguro masamang sumunod, di po ba?  KAYE NEBRE MARTIN