(Kung bakit bokya ang grado ng PNP sa publiko) 4 DAHILAN NATUKLASAN SA TARUNG PROJECT

Banac

CAMP CRAME- APAT na dahilan ang natuklasan sa pag-aaral ng Philippine National Police (PNP) at Ateneo School of Government (ASoG) kung bakit negatibo ang pagtingin ng publiko sa imahe ng pulisya.

Kahapon ay iniharap na ni Ateneo School of Government Dean Dr. Ronald Mendoza ang resulta ng pagsasaliksik sa PNP Command Group sa pangunguna ni PNP Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa.

Mahigit 400 pulis mula sa Metro Manila ang ginawang ‘respondent’ o key informant.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac una nang humingi ng tulong ang PNP sa academe para matulungan silang matukoy ang mga paraan para mapaiwas na masangkot sa katiwalian ang mga pulis na dahilan ng nega­tibong pagtingin ng ilan sa PNP.

Sa pag-aaral, bumababa ang pagtingin ng publiko sa PNP dahil sa kawalan ng suporta ng pamilya, walang mentoring group, mahina ang relasyon sa Diyos at pagkakasangkot sa katiwalian.

Kaya naman, sinabi ni Banac, ang rekomendas­yon ay dapat na magkaroon ng holistic approach sa mga pulis, partikular ang magandang relasyon sa pamilya, malalim na pananalig sa Diyos at ang pagkakaroon ng mentoring group.

Ang pag-aaral ay tinawag na Project Tarung na ang ibig sabihin ay salitang ugat mula sa salitang katarungan. REA SARMIENTO

Comments are closed.