HELLO everyone! Nasa pangalawang linggo na tayo ng Enero, akalain n’yo ‘yun? Bilis ng panahon. Kumusta po kayo?
Lahat tayo ay maaaring patuloy na nag-iisip kung ano nga ba ang maaaring naghihintay sa atin sa mga susunod na panahon, pero sa kabila ng lahat ng ito, nawa ay patuloy tayong maging matatag at manalig sa Diyos na itatawid Niya tayo sa gitna ng lahat ng ito, lalo na sa mga nawalan ng trabaho, nagsara ng negosyo, o yaong mga nagsisikap na makabangon.
Kung may trabaho pa tayo hanggang ngayon, salamat sa Diyos mayroon pa rin tayong inaasahang pagkukuhanan ng ating ikabubuhay. Sapat na dahilan upang tayo ay magsumikap na lalong maging mabuti bilang isang manggagawa.
Kaya naman ngayong araw, pag-uusapan natin ang mga mahahalagang skills na dapat nating taglayin upang maibigay natin ang da best nating performance sa ating paggawa ng ating tungkulin.
Maaaring maitanong ninyo, bakit po Miss Glad? Hindi pa ba sapat ang magkaroon kami ng diploma? Pinag-aralan na namin ang aming kurso ng apat hanggang walong taon, hindi pa ba sapat ang aming mga natutunan upang makasigurado kami ng tagumpay?
Hmnn… sino ho sa inyo ang sasang-ayon sa akin kung akin pong sasabihin na hindi naman lahat ng ating dapat matu-tunan ay natututunan natin sa paaralan? May mga bagay bagay sa mundong ito that are best learned by experience, at ang mga karanasan na iyan ang madalas na epektibong guro sa atin pong paglalakbay sa buhay.
Ilan sa inyo ang may kakilala na noong elementary o high school pa lamang kayo ay ni hindi ninyo napansin ang kanil-ang presensiya? Pero ngayon, itinuturing ninyo na isa sa mga pinakamatagumpay sa inyong lahat? Ilan sa inyo ang may kakilalang maaaring hindi nakapagtapos ng kolehiyo, pero ngayon, kapag ikinumpara sa inyo, ay napakalayo na ng narating? At maaaring sa inyong mga sarili ay inyong naitatanong, bakit kaya?
Ilan sa inyo ang matagal nang nangangarap na sana man lang ay ma-promote, pero sa ‘di malamang dahilan ay hindi mapagbigyan? Hindi kaya may kulang?
So sige, subukan nating talakayin ang ilan sa mga Work Skills na Dapat Taglayin ng Isang manggagawa, baka naman ito ang iyong kailangan:
- Literacy sa mga makabagong media. O ang kaalaman sa mga makabagong pamamaraan ng pakikipag-ugnayan. Sino ba ang mag-aakala na puwedeng dumating ang panahon na puwede nang mag-meeting kahit wala kayo sa loob ng iisang kuwarto? Binuksan ng pandemya ang mas maigting na katotohanan ng online meetings, na kahit nasa magkabilang panig pa kayo ng daigdig, puwede pa ring mag-meeting nang harap- harapan. Or sino rin po ang mag-aakala na puwede nang magturo sa isang estudyante na nasa kabilang panig ng mundo? At makapag-drawing na hindi gumagamit ng lapis at papel o canvass at pintura? At marami pang ibang mga puwedeng gawin online…
Ang ating mga tradisyunal na kaalaman ay tunay na pangunahin at mahalaga pero kung matutunan nating palakasin pa ang mga ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya para sa ating advantage, mas makabubuti para sa atin.
- Agility o vigilance o alertness. Ito iyong kakayahang suuingin ang mga hindi inaasahang sitwasyon sa trabaho. Ang sabi natin, mahalaga ang magkaroon ng mabuting pagpaplano bago ang anumang proyekto at pagbabago. Pero higit dito, kailangan na bukod sa may plano tayo, mayroon din tayong plan B, C, D…at bukod sa kaya nating sumabay sa pagbabago, kailangan din nating maging handang sumabay, gayundin sa mga hindi inaasahang pagkakataon ng may mabilis na pag-iisip at resourcefulness.
- Multi-skills. Tama at mahalaga talaga ang pagkakaroon ng expertise skills o knowledge sa maraming larangan ng pag-tatrabaho. At dahil sa demand ng ating kasalukuyang panahon, parami nang parami ang pangangailangan sa mga mangga-gawang bukod sa kanilang specialty, ay marunong ding tumugon sa iba pang mga pangangailangan sa trabaho. Halimbawa sa ating trabaho ay gumagamit tayo ng computer, bukod sa ating kakayanang gampanan ang ating main task, mahalaga rin na kahit papaano ay marunong tayong mag-trouble shoot ng computer sakaling magkaroon ng mga minor problems para hindi maantala ang ating trabaho. Sa ganitong paraan, hindi na rin kailangang gumastos ang kompanya para lamang magbayad sa mga computer technician kung hindi naman malaki ang sira ng ating computer, na ikatutuwa ng kompanya, additional points iyon para sa atin.
- Sociability skills. Dati rati, puwede tayong magtrabaho on our own, mas pinapaboran pa nga kung hindi tayo masyadong sociable kasi naka-focus lamang daw sa trabaho natin. Pero sa panahon ngayon na bukas tayo sa globalization, malaking bagay ang kakayanang makitungo nang maayos sa ibang tao, gayundin sa ibang lahi, lalo na kung may kakayanan kang makipag-usap at sumulat ng ibang lenggwahe. Importante po ang mayroon tayong social skills, dahil sa panahon ngayon, hindi lamang ang talinong taglay natin ang tinitingnan kundi pati na rin ang ating galing sa pakikipagsalamuha sa ibang tao, lalo na sa ating mga kliyente.
Extra Skills na dapat nating hasain sa ating mga sarili:
- Public speaking. Sa kahit na anong kapasidad na iyong kinalalagyan sa trabaho sa ngayon, napakahalagang taglayin o hasain ang iyong kakayanan na magsalita at humarap sa mga tao, lalo na at halos lahat naman ng trabaho ngayon ay kinakailangang may kausapin, sa loob man iyan o labas ng inyong opisina. Hindi na uubra ang hiya-hiya kung nais natin na maging matagumpay. Ang kakayanang makipagtalastasan sa iba ay malaking tulong kahit na humaharap tayo at nakikipag-usap lamang sa isa o higit pang tao.
- Writing skills. Bukod sa public speaking skills, kailangan din tayong may writing skills. Ang dalawang bagay na ito, kung inyong mapapansin ay parehong expressive means of communication. Ibig sabihin lamang nito, napakahalagang mai-paunawa at maipaabot natin sa ilang mahahalagang tao katulad ng ating boss, mga kasamahan o maging ang ating mga customers, ang ating saloobin, ang ating nais na sabihin, o ang ating maiaambag para sa ikauunlad ng ating kumpanya.
MAY TRABAHO, MAY NEGOSYO….
May mga bagay- bagay na kailangan nating sabihin sa mas pormal na pamamaraan, at ang paggawa ng sulat ang solusyon nito upang maipahayag natin ang ating nais na iparating, mas nagiging mahigpit sa subject-verb agreement kapag nagpapahayag tayo sa pamamagitan ng pagsulat kaysa kapag nagsasalita tayo, kaya naman itinuturing itong mas pormal na pamamaraan pagdating sa pagpapahayag ng ating opinion.
- Self-management skill. Ito iyong kakayanan na i-focus ang iyong atensiyon kung saan ito kailangan at kung kailan ito kinakailangan. Mas marami at mas may kalidad kasi ang ating mga accomplishments kung marunong tayong disiplinahin ang ating sarili at mag-focus sa trabaho kapag oras ng trabaho. Sabi nga, ang pinakamahirap na kalaban sa mundong ito ay walang iba kundi ang ating mga sarili, kaya kung magagawa natin itong kontrolin at pasunurin sa mga dapat na gawin sa mga dapat na panahon, mas magiging produktibo tayo at hindi malayong managumpay pagdating ng panahon.
- Critical thinking. Higit na mas marami ng ikasandaang ulit ang dami ng impormasyon na ating nasasagap sa ating panahon ngayon kumpara sa ating mga sinaunang ninuno. Ito ang dahilan kung bakit dapat ay taglayin natin ang kakaya-nang salain at pag-isipang mabuti kung alin sa mga bagay na nag-aagawan sa ating atensyon ang karapat-dapat nating pag-ukulan ng pansin. Piliin kung alin ang may halaga at walang halaga at kung paano natin maihuhugpong ito sa ibang bagay upang makapagbigay ng mas malalim na kahulugan sa atin.
- Decision-making skill. Ito naman ang nasa pagitan ng critical thinking at ng tamang aksiyon. Walang masama sa pag-a-analyze ng mga bagay-bagay bago magdesisyon, pero masama rin naman iyong sobrang pag-a-analyze, o iyong tina-tawag na paralysis of analysis. Kapag kasi nasobrahan naman tayo sa pag-aanalisa sa isang bagay, kasi nga gusto natin na alam muna natin lahat bago tayo kumilos, hindi rin ito produktibo at manganganib pang wala rin tayong masimulan. Sa usapin ng decision making, Ang mahalaga rito ay iyong matamang pag-iisip at pag-unawa sa kasalukuyang sitwasyon at kung paano ito makaaapekto sa mga bagay na nakasalalay sa ating magiging desisyon, para makaaksiyon agad.
Ayan, sana nakatulong sa inyo ang artikulong ito. Hanggang sa muli.
Colossians 3:23 ESV
Whatever you do, work heartily, as for the Lord and not for men.
Si Glady Mabini ay isang Broadcast Journalist at Motivational Speaker na may iba’t ibang programa sa Radyo. Ang mga programang ito ay puwede rin ninyong masundan sa kanyang YouTube Channel na Glady Mabini. Para sa mga paksa na gusto ninyong kanyang matalakay sa kolum na ito, ipadala lamang sa kanyang official FB page: Glady Mabini.
Comments are closed.