KUNG HINDI COMELEC, SINO ANG MAY ACCESS SA LOG?

MASAlamin

MISTERYOSO ang pag-reject ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) sa accreditation na ibinibigay sa ka-nila ng Comelec. Ibinasura ng Namfrel ang Comelec accreditation, 10 araw bago ang nakaraang halalan.

Ang Namfrel ang inaasahang citizen arm sana ng Comelec noong nakaraang eleksiyon para sa random manual unit nito ngunit sa kabila ng aktibong pag-attend ng Namfrel mula pa noong Oktubre 2018 sa mga pa-meeting ng Comelec ay bumaklas ito sa part-nership nito sa Comelec. Bakit?

Ang hinihingi ng Namfrel sa Comelec ay bigyan sana sila ng access sa election data para sa kanilang Open Election Data pro-ject. Ang Open Election Data project ay isang website na pinatatakbo ng Namfrel para sa near-real time data ng 2019 polls.

Makatutulong din ang nasabing website para matukoy ang mga red flag sa nakaraang eleksiyon. Ngunit hindi ito pinagbigyan ng Comelec sa kahilingan nito.

Sinabi ng Namfrel na sa hindi pagpapahintulot ng Comelec sa kanila na magkaroon ng direktang access sa electronic copies ng mga certificates of canvass at statement of votes ay wala silang kakayahan na ma-monitor at matukoy ang katotohanan ng election results.

In short, hindi sila binigyan ng access ng Comelec sa realtime digital transmission. Para sa Namfrel, since hindi na nila maba-bantayan ang wholesale cheating sa nakaraang halalan dahil sa hindi pagpayag ng Comelec sa kanilang kahilingan, ay walang silbi ang accreditation na ibinibigay sa kanila ng Comelec.

Very revealing naman ang ginawang pag-amin ni Comelec Commissioner Luie Guia na hindi maibibigay ng Comelec sa Nam-frel ang hinihiling nito dahil mismong Comelec ay walang access sa logs na naka-attach sa mga server.

Kung walang access ang Comelec, e sino ang nagpatakbo ng nakaraang halalan?

Ang tanong: Sino ang may access sa mga logs?

Comments are closed.