CAMP CRAME – SA paniniwala ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Oscar Albayalde, hindi na kailangan ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality (SOGIE) Bill.
Paliwanag ng PNP chief, marami nang batas at mga probisyon sa konstitusyon na nagbibigay proteksiyon sa karapatan ng bawat mamamayan.
Dagdag, ang mga pulis ay sumusunod naman sa karapatan ng lahat at mandato nila ang magbigay ng proteksiyon.
Sa ngayon, walang nakikitang dahilan ang PNP chief para muling magpasa ng batas para lamang sa iisang grupo o organization.
Pabiro pang sinabi ni Albayalde na kung batas laban sa diskriminasyon lang din ang pag-uusapan, dapat ay gumawa rin ng batas para sa mga tulad niyang nakakalbo na.
“We cannot make laws that is tailorfit to a certain group, let us not make laws just to satisfy a certain person, a certain individual, or a certain group. Otherwise everybody will have their own laws, puwede rin sana ako, paano ‘yung mga walang buhok? Eh ‘di sana hindi nadi-discriminate ‘di ba?” ayon pa kay Albayalde. REA SARMIENTO
Comments are closed.