ISANG serbisyo publiko muna para sa kolum na ito ngayong araw. Ito ay simpleng pagbabahagi ng impormasyon na maaaring mapakinabangan kung kayo o ang inyong kakilala ay nakararanas ng sintomas ng COVID-19.
Kung kayo o ang inyong kakilala ay may ubo, lagnat, sipon, sore throat, pagkawala ng pang-amoy o panlasa, mas makabubuting magpa-swab test upang makumpirma kung ikaw ay may taglay na virus o wala.
Tandaan na ang RT-PCR ay ang test na makapagkukumpirma kung ang isang tao ay may COVID-19 o wala. Narito ang ilan sa mga lugar kung saan maaaring makapagpa-swab test.
Sa Asian Hospital ay nasa P6,000 ang halaga ng test. Aabot ng 3 araw bago lumabas ang resulta. Ang numero ng kanilang telepono ay 87719000.
Sa Cardinal Santos Medical Center ay nasa P7,500 (online booking) at P8,000 (walk-in) ang halaga ng test. Aabot ng 3 hanggang 5 araw bago lumabas ang resulta. Ang numero ng kanilang telepono ay 87270001.
Sa Chinese General Hospital ay nasa P5,500 (drive thru) ang halaga ng test. Aabot ng 2 araw bago lumabas ang resulta na ipadadala sa email address ng pasyente.
Sa Makati Medical Center ay nasa P8,150 ang halaga ng test. Aabot ng 1 hanggang 2 araw bago lumabas ang resulta. Ang numero ng kanilang telepono ay 88888999.
Sa Philippine Red Cross sa Boni Avenue ay nasa P1,158 hanggang P4,500 ang halaga ng test. Aabot ng 1 linggo bago lumabas ang resulta.
Sa St. Luke’s Global ay nasa P6,500 (drive thru) at P4,300 (out-patient) ang halaga ng test. Aabot ng 2 hanggang 3 araw bago lumabas ang resulta. Ang numero ng kanilang telepono ay 87897700.
Sa St. Luke’s Quezon City ay nasa P4,300 ang halaga ng test. Aabot ng 2 hanggang 3 araw bago lumabas ang resulta. Ang numero ng kanilang telepono ay 87230101.
Sa St. Martin de Porres Charity Hospital ay nasa P4,000 ang halaga ng test. Aabot ng 3 araw bago lumabas ang resulta. Ang numero ng kanilang telepono ay 87230743.
Sa Medical City Ortigas ay nasa P8,150 ang halaga ng test. Aabot ng 3 araw bago lumabas ang resulta. Ang numero ng kanilang telepono ay 89881000.
Sa VRPMC ay nasa P7,000 hanggang P10,000 (Emergency Room) ang halaga ng test. Aabot ng 3 araw bago lumabas ang resulta.
Comments are closed.