KUNG MAHINA NA SI SUPERMAN

superman

Karaniwan na ang pagkakaroon ng emotional changes kapag tumatanda ang tao. Karaniwan na ang stress sa mga nakatatanda, na nag-uugat sa lungkot – kahit pa sa pinakamaliit na dahilan. Habang tumatanda tayo, isa-isang nawawala ang ating mga kaibigan, kakilala at mahal sa buhay, at maaa­ring napakasakit nito. Nakaka-pressure din sa mga senior ang kawalan ng gagawin – lalo pa at sanay silang busy at ma­raming iniisip. Isa pa rito ang paghiwalay ng mga anak na gumagawa na  ng sarili nilang pamilya, at nakadaragdag din ang pagsakit ng rayuma, panghihina ng katawan at pagkakaroon ng mga maintenance medicines.

Nagiging dahilan din ng depresyon ang pagbabago ng katawan. Yung dating sexy body, tumaba na at lumaki ang tiyan. Ang dating makapal na buhok, shaggy na lang (sha gitna ang panot). Ang makinis at magandang mukha, puro gatla na at hindi na tinatablan ng day cream at moisturizer. Nakaka-depress. At dahil humihina na rin ang immune system, kung anu-anong sakit na rin ang kanilang nararamdaman – na nakadaragdag sa depresyon at iba pang sakit tulad ng pagkamalilimutin at dementia.

matanda

Ngunit paano natin malalaman kung may depresyon na nga ang mga nakatatanda? Hindi natin sila matutulungan kung wala tayong alam. May limang sintomas ng emotional pain. Una, pagbabago ng personalidad, madaling mairita, wala nang gustong mangyari sa buhay, pagpapabaya sa sari­ling hitsura, at kawalan ng pag-asa. Para maiwasan ito, dapat ay mayroon silang mapaglilibangan. Hayaan sila kung ano ang gusto nilang gawin basta hindi nakakasakit sa kapwa. Halimbawa, nahiligan nilang maglaro ng tong-its sa computer, bayaan lamang ninyo. Makatutulong ito para gumana ang kanyang utak. Minsan, hindi ito maunawaan ng mga kabataan, ngunit tandaan ninyong isang araw, tatanda rin kayo at makararanas din ng ganito.

Sa ating pagtanda, unti-unting nawawala ang otonomiya at kalayaang pansarili. Dati, kontrolado nila ang buhay nila. Pwedeng magplano. May oras pa. Ngunit ngayong matanda na, ilang panahon na lamang ang ilalagi nila sa mundong ito. Hindi nila dapat maramdamang wala na silang halaga para sa kanino man.

Kailangan ng mga nakatatanda, hindi man nila sabihin, ang koneksyon sa mga mahal nila sa buhay. Sa mga anak, sa mga apo … sila na ngayon ang sentro ng kanilang buhay. Kung wala sila, wala na ring halaga kung manatili pa sila sa mundo. Kadalasan, iyan ang hindi maintindihan ng mga anak na abala sa sarili nilang buhay. Inaakala nilang sapat nang magbigay ng perang suporta o mag-hire ng caregiver para sa mga magulang na mahina na. Hindi nila alam na higit sa lahat, kailangan ang kanilang presensya upang mabawasan ang emotional at psychological pain.

Kung paminsan-minsan ay makikita ninyong umiiyak ng walang dahilan ang mga nakatatanda, hindi iyon normal. Lahat tayo ay umiiyak, ngunit sa kaso nila, maaa­ring bunga ito ng stress o ng depressive disorder. Ito ay seryosong kaso na maaaring maging sanhi ng maaga nilang kamatayan, dahil ang depresyon ay nakamamatay.

Ngunit ano nga ba

ang gamot sa depresyon? Antidepressant pills? Of course, not! Lalo lamang magiging kumplikado ang lahat. Kailangan lamang niyang sumaya at magkaroon ng libangan. Sana rin, may mga kaibigan siyang dumadalaw o kahit pamin

san-minsan, may Zumba o ballroom dancing sessions siya kasama ang iba pang nakatatanda.

Karaniwang dahilan ng depresyon ng mga nakatatanda ay ang kamata­yan ng mga kaibigan, pa­milya at mga alagang hay

op, ngunit

higit sa lahat, ang ka­matayan ng kanilang asawa. Sa panahong ito, kailangan nila ang suporta ng mga malalapit na kaanak. Nais ng mga nakatatandang maipakitang may silbi pa sila upang maipre­serba ang kanilang dignidad, economic independence (Salamat sa pension ng SSS at GSIS) at sa wakas, ang magkaroon ng maayos na kamatayang hindi makaaabala sa mga maiiwang mahal sa buhay.

Tanggapin man natin o hindi, lahat tayo ay mamamatay – una-una nga lamang. Kung mauunawaan natin ang panganga­ilangan  ng ating mga mahal na nakatatanda, mas masisiguro natin ang kanilang kalusugan. Kailangan nila ang emotional support para maramdaman nilang may silbi pa sila. Kung tutuusin, kailangan nila ng geriatric psychologist na bihasa sa mga nakatatanda, ngunit dahil mahal, hindi natin ito napagtutuunan ng pansin.

Lahat tayo ay tatanda. Lahat tayo ay daraan kahit pa ang feeling mo ngayon ay sinlakas mo si Superman,matanda darating ang araw na manghihina ka rin at manga­ngailangan ng pang-unawa. Minsan, nayayamot ang kabataan sa mga nakatatandang nagkakasakit ngunit hindi maiiwasan yan. Katawan ang unang tinatamaan ng kahinaan, lalo pa at masyadong napagod noong kabataan.

Minsan din, nais ng mga nakatatanda ang mapag-isa. Hindi iyon normal dahil doon nila nakikitang marami palang nawala. Minsan din, nagiging palautos at makakalimutin sila – para makatawag ng pansin. Pansinin ninyo sila. Tulungang mag-exercise. Kung hindi sila mapagkatulog, makakatulong kung bigyan sila ng mapaglilibangan. Kung nais nilang manood ng pelikula sa magdamag, hayaan ninyo sila kung saan sila masaya.

Kaunti na lamang ang panahong nalalabi upang makasama ninyo mahal ninyong nanay, tatay o lolo o lola. Minahal, inalagaan at sinuportahan nila kayo noong panahong hindi pa ninyo kaya. Ngayong mahina na sila, ito ang pagkakataon upang bumawi. Huwag ninyong hintaying kung kelan wala na sila ay saka kayo iiyak. Hindi nila kailangan ang luha at pagmamahal kapag wala na sila. – NENET L. VILLAFANIA

63 thoughts on “KUNG MAHINA NA SI SUPERMAN”

Comments are closed.