Tinututulan ng Greenpeace Philippines ang pagsasagawa ng feasibility sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) ng Pilipinas at South Korea, dahil ayon kay Greenpeace Philippines campaigner Khevin Yu said, napakamahal daw, napakadumi at napakadelikado ng nuclear power para pagkunan ng kuryente.
“These nuclear deals will only be favorable to a few,” aniya. “On top of costs and operations, handling and storage of radioactive nuclear waste, costs for dismantling and decommissioning are billions of dollars.”
Dagdag pa niya, hindi rin maiiwasan ang nuclear disasters dahil nangyari na ito, kahit pa sa Japan. At kapag nangyari iyon, wala tayong sapat na badyet para liaising ang kalat na nuclear waste.
Sinabi pa niyang maraming pwedeng pagkunan ng kuryente ang mga Pinoy tulad ng solar, wind at at hydroelectric power, na nakasisiguro ang lahat na ligtas.
Mas maganda umano ang renewable energy dahil domestically available ito. Bago umano sumugod sa mahal at delikado, bigyan muna ng priority ang kung ano ang meron tayo. Kapag hindi na pwede, saka lamang tayo sumubok ng iba, dagdag pa niya.
RLVN