Kung mangarap ka’t magising

Pangarap lamang para kay Edgar “Injap” Jaruda Sia II ang pagkakaroon ng isang matagumoay na negosyong matatawag niyang kanya, ngunit ngayon, siya na ang chairman ng DoubleDragon Properties (isang joint business venture kay Tony Tan Caktiong), at foundet pa ng Mang Inasal fast food restaurant chain. Siya rin ang Chairman at Chief Executive Officer ng Injap Investments Inc., founder of Mang Inasal Philippines, Inc.

Isinilang siya noong 9 January 1977. Habang lumalaki, nangangarap siyang magbukas ng isang fast-food barbecue restaurant, dahil alam nilasng mashilig sa barbecue ang mga Pinoy. Tinupad niya ang kanyang pangarap sa pamamagitan ng pagbubukas ng Mang Inasal sa Robinsons Mall Carpark sa Iloilo City noong December 2003.

Sa pangkalahatan, iba ang pananaw ni Sia sa pagnenegosyo. Handa siyang sumugal, mayroon siyang strategic vision, mayroon din siyang tinatawag na customer centric approach at mahusay din siya sa pananalapi. Marahil ito ang dahilan kaya nagtagumpay ang Mang Inasal chain of fast-food restaurants.

Noong October 2010, binili ng Jollibee Foods Corporation ang 70% ownership ng Mang Inasal sa halagang P3 bilyon ($68,8). Binili uli ng JFC ang natitira pang 30% nang sumunod na taon. Gayunpaman, si Sia pa rin ang founder at utak ng Mang Inasal, na sumikat dahil sa masarap na barbecue at unlimited rice.

Si Sia, na isinilang at lumaki sa Iloilo City, ay nag-dropped out sa kolehoyo sa edad na 19 upang magtayo ng sariling laundry and photo-developing business. Of course, alam nating hindi ito nagtagumpay, kaya naisipan niya ang Mang Inasal.

Ang Mang Inasal ay tunay na Filipino brand. Kilala ito ng mga customers na Ihaw-Sarap food at Unli-Saya experience mula pa 2003. Mula sa Hiligaynon na Mr. Barbecue, itinatag ang Mang Inasal noong December 12, 2003 sa Iloilo City. Kinikilala ito ngayon ng mga Pinoy na pinakamasarap na grilled chicken sa bansa, base sa katatapos na imagery surveyna isinagawa ng isang research agency.

Bilyunaryo na si Edgar Sia. Siya ang pinakabatang bilyunaryo sa bansa sa edad na 34, matapos niyang ibenta ang 70% ng Mang Inasal sa Jollibee noong September 2021. Umaabot na ang kanyang net worth sa US$675 million.
Utang niya ito sa malalim niyang pangarap, passion, determination, sincerity at resourcefulness. NLVN