HINDI pa man digital era sa kalakalan, marami nang negosyo ang pumapatok.
Wala namang tapon o hindi maayos na negosyo, depende kung paano ito ima-manage.
Ang negosyante ang may hawak at nag-a-anchor kung papatok ang kanyang negosyo kaya dapat magpatuloy sa pag-aaral at huwag huminto sa pagsubok.
Para sa mga nagbabalak magnegosyo at pagod na sa office politics, mga matagal nang rank and file at walang magawa kundi sumunod na lang sa mga boss kahit mali, narito ang mga negosyo na maaaaring gawin.
Kung walang sapat na capital para sa produkto , maaaring serbisyo o ang inyong kaalaman.
Akala ng iba, ang negosyo ay umiikot lang sa mga produkto, na kailangan ng may espasyo, opisina, logistics at kagamitan.
Maaaring mong inegosyo ang inyong kaalaman.
Halimbawa, kung isa kang writer o media practitioner, gamitin mo ito para sa Public Affairs, o public relations.
Ang kaalaman mo sa pagsusulat ay maaari mong negosyo, in service type of business.
Narito ang 5 na maaaring gawing negosyo na magiging patok.
- Financial advisor/coach”
Nanatiling trend ang patuloy na dependency sa capitalism at importansya ng pera. Ilang halimbawa nito ang mga baby boomers na sa kalagitnaan ng kanilang saving years ay bumabagsak sa ganitong kategorya. Kasama rin dito ang age brackets ng tax-favorable retirement plans. Habang dumarami ang ganitong generation, mas malaki ang pagkakataon sa mga negosyong may kinalaman sa financial activities.
- Construction Related Businesses
Ito ang klase ng negosyo na hindi na mapapalitan at tiyak na patok anumang panahon. Lahat ng tao ay nangangailangan ng matutuluyan kabilang na ang bahay at mga tanggapan. Bagaman may panahong hirap ang construction industry, tiyak na muling babalik ang kasikatan nito. Kabilang dito ang home repairs, green building at remodeling
- Professional at related occupations
Tiyak na lalago at magdaragdag ng mga bagong trabaho ang industriyang ito. Sa pagpasok ng 2025, tinatayang lalago pa ito lalo na’t nagbukas na ang ekonomiya mula sa pandemya na tumama noong 2020. Inaasahang pagtaas ng bilang ng mga mangangailangan ng serbisyo ng mga ito.
- Management business at financial business
Habambuhay ding magiging patok ang mga negosyo na namamahala at nagpapalakad ng mga aktibidad ng ibang negosyo, government agencies, at iba pang organisasyon.
Kabilang sa mga ito ang financial management businesses, accounting at auditing firms.
- Installation, maintenance, and repair
Hindi rin pahuhuli ang mag negosyong may kinalaman sa installation, maintenance at repair. Kabilang dito ang pagkakabit ng mga bagong equipment o ang pagmamantine at repair ng mga lumang kagamitan.
Pinakamalaking paglago ang maitatala sa heating, air-conditioning,at refrigeration mechanics and installers.
Sana nakatulong ang PILIPINO Mirror sa mga nais magnegosyo at hindi na aasa pa sa pinapasukang kumpanya para mabuhay nang disente.
Goodluck!