NAALALA pa ni Kaye Abad kung paanong nagkaroon siya ng insecurity matapos siyang tawagin ni Mo Twister na ugly version ni Iza Calzado.
Una, talagang insecure na raw tralaga siya sa kanyang height, tapos, sinabihan pa siyang pangit. Ayaw raw sana niyang patulan ito pero talagang tinamaan siya ng pasaring ni Mo sa kanya. Lagi nga raw tuloy niyang pinagmamasdan ang kanyang sarili sa salamin, pero palagay raw naman niya ay hindi siya pangit. Well, aminado siyang hindi pang-beauty contest ang ganda niya, pero sigurado raw siyang hindi siya pangit, or else, hindi siya magiging artista.
Aminado rin si Kaye na maraming nagsasabi sa kanyang hawig siya kay Iza Calzado, at aminado rin siyang mas maganda ito sa kanya, pero napaka-ruide namang sabihing ‘ugly version of Iza Calzado’ si Kaye.
As if naman, guapo si Mo. Kung pangit pala si Kaye, ano na si Mo Twister?
Open din si Kaye sa mga nakarelasyon niya bago siya nagpakasal kay Paul Jake Castillo. Kabilang sa mga napag-usapang mga dating nakarelasyon ay ang Parokya ni Edgar lead singer na si Chito Miranda at ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz
Maayos raw ang break-up nil ani Chito, pero si John Lloyd, nahirapan siyang mag-move dahil magkatrabaho at love team sila noon sa Tabing Ilog. Isa pa, ayaw sana nilang maghiwalay, kaya lamang, ayaw ng parents ni Kaye na makipag-boyfriend siya noon dahil bata pa siya. Bukod sa kanila, may mga artistang nanligaw din kay Kaye na hindi niya nakarelasyon. Kung pangit si Kaye, bakit napakarami niyang naging manliligaw?