KUNG PAPALITAN ANG US $1 BILL NG $1 COIN, MAKATITIPID  ANG US NG $4.4 BILLION SA 30 TAON

HINIHINGI ng Kamara ng US sa gobyerno na huwag nang mag-imprenta ng P1 dollar bills at sa halip ay gawin na lang itong coin – paris natin dito sa Pilipinas. Bakit? Dahil makatitipid daw ang gobyerno.

Sa paggawa ng $1 coin, gagastos lang ang gobyerno ng 30 cents, at maibebenta ito ng $1 American dollar. Ang financial gain na ito ay tinatawag na seigniorage, at sa loob ng 30 years, makatitipid ang US government ng $4.4 billion. Abot 30 years din ang buhay ng bawat coin.

Kung $1 dollar paper bills naman ang gagawin, medyo mura ang pag-produce nito dahil 5 cents lang bawat isa, pero madali rin itong masira. Abot lang ito ng 4.7 years kaya kailangang palitan agad.

Matagal nang hinihinging palitan ng coin ang $1 dollar bill pero hindi ito gaanong napagtutuunan ng pansin. Ayon sa mga mambabatas, malaking bagay ang matitipid na P$4.4 billion sa loob ng 30 years lalo pa at napakalaki ng inflation sa US ngayon. – SHANIA KATRINA MARTIN

6 thoughts on “KUNG PAPALITAN ANG US $1 BILL NG $1 COIN, MAKATITIPID  ANG US NG $4.4 BILLION SA 30 TAON”

  1. 820525 240018Hello there, just became alert to your blog via Google, and discovered that its really informative. Im gonna watch out for brussels. Ill be grateful if you continue this in future. Many folks will probably be benefited from your writing. Cheers! 63294

Comments are closed.