IPINAGPALIBAN ng House of Representatives ang pagsasabatas ng franchise renewal ng ABS-CBN.
Dahil dito, marami ang nagpapalagay na baka nga matuloy ang supposedly ay pagsasara ng ABS-CBN.
Of course, ito’y isang haka-haka pa lamang at wala pa namang definite na balita tungkol sa pagsasara ng nasabing network.
Since dating Kapamilya star si Max Collins, at maging ang kanyang Bihag leading man na si Jason Abalos, hiningi ng press ang kanyang stand sa bagay na ‘to.
“Si Sophie rin,” she said as an afterthought. “Ka-batch ko siya.”
Pareho pa lang galing sa Batch 15 (2006) ng Star Magic ang dalawa, pati na rin sina Jessy Mendiola at Bela Padilla, among many others.
“It’s sad for everybody na mawawalan ng trabaho, kung totoo man,” she explained. “Kung totoo man, maraming artistang mawawalan ng trabaho. Pati na rin staff, empleyado… Sad, sad.”
Shifting the subject to other arenas, marami ang nakapupunang pareho silang physically fit ng kanyang mister na si Pancho Magno.
Sabay ba sila kung mag-workout? “Hindi po, kasi matindi ang workout nun!,” she asseverated. “Ako mas mahilig ako mag-class, parang Yoga class o spinning class, or Pilates.”
Sa ngayon, first time raw na sabay silang may teleserye ni Pancho. At magkasunod pa!
Anyway, aware naman tayong female lead si Max sa Bihag bilang si Jessie, whereas isa naman sa mga male lead si Pancho sa Dahil Sa Pag-ibig bilang si Gary.
Excited din na ibinalita ni Max na nakalipat na sila ni Pancho sa bago nilang bahay. In preparation ito sa paglaki ng kanilang pamilya sakaling mabuntis na si Max kaya sa isang mas malaking bahay na sila nakatira.
Isa itong three-bedroom, two-garage house.
Pagkukwento pa niya, “Two days ago, pine-paint na namin ‘yung bahay.”
CHERIE GIL HINDI SARCASTIC AT MALDITA
TAMA nga pala ang sinabi ng veteran actress na si Cherie Gil na ayaw niyang maging nega bilang isa sa mga judge ng reality show na Star-Struck.
True to her word, she is quite careful with her words and is trying her best to remain pleasant and within the reach of everyone.
Honestly, hindi Bella Flores school of acting ang kanyang ginagamit kundi maayos na pagsasalita at may lambing at hindi nakatatakot.
For one, her face is always pleasant and her words eager to please without sounding cowtowing or ingratiating. Kumbaga, chill lang siya at palaging nakangiti pero may weight ang mga sinasabi.
Kung iba siguro ang kinuha ng GMA 7 ay hindi magiging ganito ang dating sa mga tao.
Iconic man siyang naturingan, hindi siya harsh at nagpapakabastos.
Complimentary kina Heart Evangelista at Jose Manalo ang kanyang personalidad at maganda ang dating nilang tatlo sa mga tao.
Kung ikukumpara kina Vice Ganda at Regine Velasquez na may pagka-impakta ang hosting at trying hard na makasakit at makakudlit sa mga contestant, Cherie is the paradigm of affability and good breeding.
Napakadali niyang pumuri kina Jose at Heart at magaan siyang dalhin.
In stark contrast kina Vice Chakah, na paiba-iba ang wig na ginagamit dahil dyolbo na, (Hahahaha!) at Regina Velasquez, na hindi mapigilan ang pagtaba specially so now that she is a part of the Star Network where her talent is purportedly skyrocketing, ipinakita ni Cherie na puwede namang maging istrikta but still maintaining that aura of affability.
Congratulations Ms. Cherie for giving a good performance that is equipped with a good heart.
Follow me at my Twitter account Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!