TAHASANG sinabi ni Senador Ronald Bato Dela Rosa na kung ayaw sa kanya ng Estados Unidos at tuluyang kinansela na ang kanyang US visa, sa China na lang ito pupunta para magbakasyon.
Ani Dela Rosa, hindi pa niya natatanggap ang pahayag o pormal na anunsiyo ng Embahada ng Estados Unidos ukol sa pagkansela ng kanyang US visa tulad ng napapabalita.
Aminado ang senador kung sakaling nakansela na ang kanyang visa ay labis itong nalulungkot dahil hindi na niya mapapasyalan ng mga kapatid at kamag-anak sa Amerika.
Sinabi ni Dela Rosa na magpapadala siya ng liham sa embahada upang malaman kung talagang kinansela na ang kanyang bisa dahil sa pagka-kadawit ng Extra Judicial Killings sa war on drugs ng Duterte administration.
Anang senador, mali ang mga impormasyon na nakuha ng US sa pagkakadawit sa kanya sa paglabag sa karapatang pantao.
Subalit aniya, kung talagang pagbabawalan na siyang pumasok sa Amerika, bukas naman ang China para roon na lamang siya magbakasyon. VICKY CERVALES
Comments are closed.