IPINAG-UTOS ng Department of Agriculture (DA) sa Bicol ang pag-disinfect ng backyard piggeries at slaugtherhouses sa rehiyon.
Base sa idinaos na pag-uusap na dinaluhan ng mga provincial at local veterinarian, may handang mag-sponsor sa pag-disinfect o paglilinis sa lugar ng mga alagang baboy at katayan nito upang masigurong ligtas ito sa anumang nakahahawang sakit.
Sinabi ni National Meat Inspection Services (NMIS) Bicol Director Alex Templonuevo na ang naturang hakbang ay bahagi ng preliminary efforts habang pinalakas na rin ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang pagbabantay sa animal checkpoints.
Napag-alamang naglatag na rin ng quarantine guards sa mga pantalan, partikular sa bahagi ng Matnog, Sorsogon, na ‘gateway’ sa Visayas at Min-danao.
Pinaalalahanan naman ng opisyal na dapat suriing mabuti ang mga buhay na baboy o meat products kung dumaan sa qualified slaugtherhouses, partikular na sa mga lungsod ng Sorsogon, Ligao, Iriga, Naga at Legaspi.
Samantala, patuloy namang hinihintay ang resulta ng ipinadalang sample sa Spain upang malaman kung ano ang sakit na dumapo sa ilang namatay na alagang baboy sa Rizal. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.