KURASHIKI IDEDEPENSA ANG PVL INVITATIONAL TITLE

HANDA na ang defending champions Kurashiki Ablaze para sa inaabangang title defense sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference. 



Sa pangunguna ni reigning Finals MVP Kyoka Ohsima, ang Japanese powerhouse ay magbabalik sa Pilipinas ngayong Setyembre.

Determinado ang Ablaze na mapanatili ang korona na kanilang nakopo sa 2023 edition, makaraang maungusan ang local favorite Creamline sa dramatic final showdown. Sa kanilang 2023 campaign ay winalis ng Kurashiki ang lahat ng limang laro sa round-robin semifinals at kinumpleto ang kanilang journey na may perfect 6-0 record, tampok ang thrilling victory laban sa Cool Smashers.

Ang Invitational Conference ngayong taon ay tatampukan ng anim na koponan, kabilang ang local heavyweights Akari, Cignal, Creamline, at PLDT, pawang semifinalists sa Reinforced Conference, at ng isa pang foreign team, ang EST Cola ng Thailand.

Ang short-format tournament ang ikatlong kumpetisyon ng liga para sa 2024 season.

Sa nakalipas na taon, ang key members ng Ablaze ay nagkaroon ng malaking kontribusyon sa iba’t ibang PVL squads. Si Kurashiki head coach Hideo Suzuki ay naging consultant sa Farm Fresh, habang si assistant coach Shota

Sato ang gumabay sa Foxies sa kanilang unang playoff appearance sa import-laden tournament bilang kanilang head coach. 

Samantala, si Asaka Tamaru, isa sa Best Outside Hitters sa championship run ng Kurashiki noong nakaraang taon, ang naging import ng ZUS Coffee sa Reinforced Conference.

Ang EST Cola ay kakatawanin ng U-20 Thailand volleyball team, isang young and dynamic squad na inaasahang magdadala ng fresh energy at high level of play sa torneo.

Ang torneo ay tatakbo mula September 4 hanggang 12.