Ito ang kusinang ginamit ng pamilyang Mozart noong panahong naninirahan pa sila sa isang munting townhouse sa No. 9 Getreidegasse, Salzburg, Austria.
Nasa third floor ang Mozart family mula 1747 hanggang 1773, at dito rin isinilang si Wolfgang Amadeus Mozart noong 27 January 1756.
Mahirap lamang ang mga Mozart — kaya nga nakatira sila sa townhouse, ang tahanan ng mahihirap noong panahong iyon.
Isa si Wolfgang Amadeus Mozart sa mga mahahalaga at maimpluwensyang kompositor ng Western Classic Music. Isa rin siya sa mga itinuturing na pinakamahusay at pinakakilalang kompositor na nabuhay.
Humigit-kumulang sa 600 ang mga nalikha niyang tugtugin o piyesa sa piano, na itinuturing ding pamantayan ng mga aspetong musikal tulad ng simfonia, concerto, tugtuging pangkamara, piano, musikang operatiko at pangkoro. Ang mga ito ay pumukaw sa henerasyon ng mga kompositor noong ika-18 siglo. Malaking bilang ng mga pangunahing gawa ni Mozart ay nananatiling tanyag sa mga tagapakinig at naging pamantayan na sa larangan ng musika hanggang ngayon.
Namatay siya noong December 5, 1791.