NUEVA ECIJA – NADISKUBRE ng pinagsanib na puwersa ng mga pulis at militar ang pinagkukutaan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Mamaclay, Gapan.
Ayon kay Police Col. Fitz Macariola, Force Commander ng Regional Mobile Force Batallion 3 nadiskubre ang kuta ng mga rebelde dahil sa mas pinaigting nilang anti insurgency campaign kasama ang tropa ng Philippine Army.
Wala aniya silang nahuling rebelde sa kuta ngunit narekober nila ang iba’t ibang mga gamit pampasabog.
Kasama rito ang 2 piraso ng 9 volts battery; 10 piraso ng non electric blasting cap; 4 piraso ng electric blasting cap; 1 piraso ng time fuze, 2 piraso ng toggle switch; 6 na piraso ng resistor; 2 piraso ng crocodile clip; at 2 piraso ng pvc pipe improvised land mine.
Kaugnay nito , siniguro naman ng PNP na patuloy silang magiikot at reresponde sa sumbong ng mga residente para matutukan ang seguridad at matiyak ang kapayapaan. REA SARMIENTO
Comments are closed.