NAPASOK na ng 54th Infantry Batallion, Philippine Army ang kuta ng New People’s Army (NPA) sa kabundukan ng Tinaptapan, Namal, Asipulo, Ifugao.
Ayon kay Lt. Col. Narciso Nabulneg Jr., commander ng 54th IB, PA, nasa combat operations ang mga sundalo sa lugar matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga surrenderee at mga residente ng Asipulo hinggil sa mga aktibidad ng mga rebelde sa kanilang lugar.
Nagtagal umano ng mahigit isang oras ang naganap na sagupaan sa pagitan ng dalawnag panig.
Dito na raw umatras ang mga rebelde hanggang natagpuan at nakumpiska ng mga sundalo ang walong tolda sa nasabing lungga ng mga rebelde.
Nagkaroon muli ng engkuwentro ang mga sundalo sa mga papatakas na rebelde kung saan nakumpiska naman ang dalawang M16 rifles.
Dito na raw nailigtas din ng mga sundalo ang dalawa sa mga rebelde na nakilalang sina Ka Iyong at Ka Cindy, na napaba-litang nawawala sa mga nakalipas na buwan. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.