Kutsinta

Mga sangkap:
2 cups cassava flour
2 cups all-purpose flour
2 cups brown sugar
2 tsp lye water/ lihia
2 tsp vanilla
3 cups tubig

Kinayod na niyog na sawsawan
Ginadgad na keso (optional)
½ cup tubig at ½ cup brown sugar para sa syrup

Paraan ng pagluluto:
Gawin muna ang syrup. Lutuin sa mahinang apoy ang ½ cup brown sugar hanggang matunaw, at pagkatapos ay unti-unting idagdag ang ½ cup tubig hanggang maging syrup. Palamigin.

Sa mixing bowl, pagsamahin ang cassava flour at all-purpose flour. Idagdag ang brown sugar at haluing mabuti.

Unti-unting idagdag ang tubig. Haluin hanggang maging makinis.

Isama ang nilutong syrup, lye water, at vanilla. Haluing mabuti. Isalin sa mga hulmahan at iayos sa steamer. Dapat, nauna nang pinakulo ang tubig bago ilagay ang mixture. Pasingawan ng 40-50 minutes na may takip.

Kapag luto na, patayin ang apoy, palamigin at alisin sa hulmahan. Kainin na may sawsawang fresh coconut at cheese.

Enjoy your kutsinta!

Kung ibebenta ito ng P5 isa, tubong lugaw kayo dito, lalo pa at sasamahan ninyo ng samalamig o avocado-pandan tea. JVN