KUWAITI BLOGGER ‘DI NA BIBIGYAN NG PINAY DH

Sondos al-Qattan

MANILA – HINILING ng  Blas F. Ople Policy Center, isang non-government organization sa Philippine Overseas Employment Admi­nistration na huwag nang bigyan ng domestic worker ang Kuwaiti social-media influencer na si Sondos al-Qattan.

Ito ay nang mag-post si al-Qattan sa social media na ayaw na niya ng Pinay na kasambahay dahil sa panibagong kautusan na bigyan ng day off kada linggo at ipahawak ang pasaporte ng domestic helper.

Isinalarawan ni Center head Susan Ople ang malupit na pang-aalipin sa mga domestic ­worker, ang sinabi ng blogger.

“The ugly face of modernday slavery and should be included in the POEA’s blacklist of abusive and undesirable foreign employers,” ayon kay Ople.   EUNICE C.

Comments are closed.