KUWAITI BLOGGER IPINADEDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA BANSA

Sondos Alqattan

IPINADEDEKLA­RANG persona non grata sa bansa ang Kuwaiti blogger na si Sondos Alqattan matapos na batikusin ang batas na nagbibigay proteksiyon sa mga overseas Filipino worker sa Kuwait.

Maghahain si ACTS OFW Partylist Rep. John Bertiz ng resolusyon na nagbabawal na makapasok ng bansa ang dayuhang blogger.

Sa oras na maaprubahan agad ito ng Kamara ay ipadadala ang resolusyon sa Bureau of Immigration.

Iginiit ni Bertiz na walang karapatan ang sinuman na tratuhin ang  Pinoy worker na parang alipin dahil malaki ang isinasakripisyo ng mga ito para makapagtrabaho sa ibang bansa.

Dapat aniyang matuto si Alqattan na kilalanin ang mahalagang kontribusyon ng mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo hindi lamang sa Kuwait.

Hinimok ni Bertiz ang followers at sponsors ng dayuhang blogger na huwag na itong i-patronize dahil hindi ito karapat-dapat matapos magpakita ng kawalang respeto sa karapatan ng mga OFW.

Si Alqattan ay inulan ng pagkondina sa social media dahil sa nai-post nitong video kung saan binabatikos nito ang pagbibigay ng isang araw na day-off sa mga Pinay household service workers gayundin ang pagpa­yag na mahawakan ng mga ito ang kanilang pasaporte.  CONDE BATAC

Comments are closed.