KUWENTO NG PANANAMPALATAYA NG ISANG “GAY”

LGBT

REVERENT Ceejay Agbayani, Rev kung siya’y tawagin ng kanyang mga mi­yembro at kakilala, 44 na taon gulang. Ang founding pastor ng LGBTs (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender and Straight) Christian Church sa Manila. Katoliko nu’ng siya’y bininyagan at nag-aral sa seminaryo ng mga protestante noong Hunyo 2002 sa pamamagitan ng imbitasyon ng isa niyang miyembro na isang professor ng Union Theological Seminary, ang pinakamatandang seminaryo ng protestante sa Asya.

Sinimulan ang ministry sa LGBT noong 2006, under the affiliation of Metropolitan Christian Church. Dahil sa internal politics, humiwalay sila noong taong 2012, at binago nila ang pangalan bilang LGBTS Christian Church, Inc.

SA LOOB NG SEMINARYO

“Openly gay naman ako sa loob pa lang ng seminaryo. Mayroon din namang diskriminasyon. Mayroong diskriminas­yon sa akin. Nang pumasok ako sa seminary, hindi ko naman problema na bakla ako, e. Kung  problema nilang naging bakla ako, e problema na nila ‘yun. Hindi ko na problema ‘yun,” kuwento pa ni Reverent Ceejay Agbayani.

“At gusto ko na ma­ging out sa pagiging totoo sa sarili mo, para hindi ako aloof masyadong gumalaw. Kasi kukulitin pa nila ako. Aasarin pa nila ako at ibu-bully pa nila ako, e nag-out na nga ako binu-bully pa nila ako, how much more kung hindi pa ako nag-out? And besides, ang mga professor ko mahal ako, very liberal naman sila. Noong natapos ko ‘yung Master of Divinity ko sa Union of Theological Seminary, everybody loves me. Kasi I treat them as ordinary as possible. Kasi I don’t want them to give them special treatment para sa akin nor ayaw ko rin na bigyan ako ng special treatment na parang different sa kanila. I’m normal as I am,” dagdag pa nito.

PAG-AMIN SA SARILI

LGBT“Elementary pa lang alam ko na bakla ako. Actually wala akong coming out in a sense umamin ako sa magulang ko. Kasi nagdadala ako ng mga kaibigan sa bahay, du’n pa lang alam mo na yung sinasabing tell me who your friends are, I tell you who you are. Hindi ko rin inamin sa kanila, kasi I have a 14-year relationship sa isang babae hanggang sa nakilala ko ‘yung partner ko na si Marlon. 12 years na kami. At tinutulungan niya ako sa aking Ministry,” sabi pa ni Reverent Ceejay Agbayani.

At kaya rin pumasok umano siya sa seminaryo ay upang magsaliksik at mag-aral ng tungkol sa homosexuality bilang kasalanan. “Mabuti na rin ay mayroon akong mga professor sa Hebrew at sa Greek,” wika pa nito.

Ayon pa kay Reverent Ceejay Agbayani, ang guro umano niya sa Greek ay si Bishop Daniel Arichea. Siya ay naging Philippine Bible Society President. Ang naging guro naman nito sa Hebrew (wika ng mga hudyo) ay si Reverent Mary Nebelsick. Ang unang lengguwahe niya ay Palestinian Hebrew, pangalawa ay Aleman, pangatlo ang English at ang pang-apat ay Filipino.

“At tinanong ko sila tungkol sa Genesis 19, the original text, Leviticus 18 at 20, hanggang Romans 126, hanggang first Corinthian at first Timothy. At sa aking research, wala kang makikitang homosexuality sa original text. 19th century lang naimbento ang salitang homosexuality. Naimbento ang salitang homosexuality para ipaliwanag ang attraction sa same sex.

Kung ang tinutukoy ng apostol na si Paul ay tungkol sa same sex relationship ay dapat na ginamit niyang word ay pederasty, kasi at that time nag-e-exist ang pederasty kung saan ang matandang lalaki ay nakikipagrelasyon sa batang lalaki.

Kung ‘yun ang tinutukoy niya. Pero Paul was not referring to that. Paul was referring to temple worship prostitution. Ang temple prostitution ay iba sa homosexualidad. Pinag-aralan ko iyan. Pinagpuyatan ko. Sa atin nga pinaka-tolerant na Christian denomination ay ang Roman Catholic Church, may salita nga ang Santo Papa na, “Who am I to Judge?” Pero ‘yung mga ibang evangelical protestant churches hard na hard sila. In a democracy like ours, meron talagang mga mapanghusga. Because they think this is new,” kuwento pa ni Reverent Ceejay.

“Sinabi nga ni Hillary Clinton being gay is not a western intention. It is a human reality. Nauna lang siguro sila. Sabi pa nga ni Lee Kuan Yew at Mahathir Mohammad ng Malaysia, being gay is not an Asian value. E ‘yung acceptance ba hindi Asian Value? ‘Yung Tolerance ba ay hindi Asian Value? At ang pagkakaroon ng mga transgender ay human reality. Long before may mga babaylan na tayo, mga feminist priestess, actually mga transgender priestess,” pagpapatuloy pa nito.

MGA URI NG SIMBAHAN

May tinatawag ka­sing welcoming, accepting and affirming church, ayon pa kay Reverent Ceejay Agbayani. ‘Yung welcoming church tulad ng CCF, wine-welcome ka pero kapag nandoon ka na ay babaguhin ka. Mayroon ding tinatawag na accepting, tinatanggap ka pero kapag andu’n ka na babaguhin ka. ‘Yung affirming walang problema sa kanila kung bakla ka o hindi. “Kami ‘yun,” sabi pa ni Reverent Ceejay Agbayani. “‘Yung paniwala kasi ng mga affirming church, God will not judge you on your sexuality but rather on your relationship with each other,” paliwanag pa nito.

ANG PROTESTA SA MAPANGHUSGANG LIPUNAN

Ang LGBTS Christian Church is an affirming church. Come as you are. May tagline itong walang pagtatangi at walang panghuhusga. Tanggap ka kung sino ka, ligtas ka kung ano ka.

Ang S nga sa LGBTS stand for straight. Para naman umano inclusive at hindi lang LGBT exclusive. Pero ‘yung wordings sa kanta sa church ay pang LGBT pero kung straight ka naman wala kang pakialam dahil sigurado ka na sa sexualidad mo.

BILANG ECUMENICAL NA KRISTIYANO

Ayon kay Reverent Ceejay, hindi naman sila sekta at humihiwalay sa Christianity. Dagdag pa niya, ang affirmation ng faith nila ay ecumenical profession of faith: We believe in God Almighty, creator of heaven and earth. Ang binago namin sa we believe in one catholic apostolic church, “we believe in ecumenical Christianity free from bigotry, hate and discrimination.  ‘Yun lang ang insertion namin. Kasi ecumenical Christianity ang pinopromote namin.”

Ang ibig sabihin ng ecumenical Christianity, hindi mo kailangan magtanggal ng iyong tradition. Ang tribal religion kasi ganu’n e. Tulad ng ibang Christian religion kapag naging miyembro ka na bawal ka na mag-sign of the cross.

“Kinikilala namin ang lahat ng Christian Religion at lahat ‘yun ay tama.” Dagdag ni Rev. Ceejay, puwede silang kumuha ng mga aral sa ibang relihiyon na naaangkop sa kanila.

Karamihan sa kanilang miyembro ay mga Katoliko kaya mayroon silang ostiya at puwede silang mag-sign of the cross. Trinitarian din umano sila: Ama, Anak at Espiritu Santo.

PARENT GOD AT ANG DIWANG BANAL

Ang Ama or Father ay pinalitan nila ng Parent God dahil may mga miyembro na minolestiya ng kanyang ama. Hirap siyang ma-imagine kapag nababanggit ang salitang father dahil minolestiya siya ng ama niya. To make it more inclusive ay gumawa sila ng word na Parent God. Kasi ang lumikha naman ay walang gender kung tutuusin.

Nang gawin nila ang pangalan, ang ginawa ni Rev. Ceejay na middle name ay Christian at pinromote ang word na LGBT. Noong una ay LGBT Christian Church na naging LGBTS Christian Church dahil sa suggestion ni Marlon na gamitin ang s for straight.

“Iyon ang gusto ko, it’s a fusion between LGBT and Christianity, so it’s ok to be a LGBT and Christian.”

REBELYON AT INSPIRASYON SA PAGBABALIK-LOOB

Kuwento pa ni Rev. Ceejay, noong bata pa siya ang paniniwala niya ay hindi na siya puwedeng magdasal at mapupunta sa impiyerno dahil bakla siya. Dahil sa paniniwalang iyon, hindi na siya nagsimba.

“But with my inspiration from Reverent Troy Perry, the founder of metropolitan community church, ah okay pala ang maging bakla at kristiyano,” ayon pa kay Rev. Ceejay,

Sa tanong na: ito ba ay rebelyon sa iyong pananampalataya? Ang sagot ni Rev. Ceejay: Yes, kasi wala naman tumatanggap sa LGBT but I found my inspiration to Reverent Troy Perry. He is also a defunct Pentecostal Minister.

Maganda umano ang kuwento  ni Troy Perry na isang anak ng pastor na Pentecostal. Gusto rin nitong maging pastor. Nagkaasawa ito. Pero alam niya rin sa sarili na bading siya. Pero nagkaroon siya ng relasyon sa isang marine. At binuko siya.

Dahil sa nangyari na iyon tatanggalan siya ng ordinasyon. Pero sa kabila niyon, napakataas ng level ng kanyang espirituwalidad bilang Pentecostal.

May kaibigan umano si Troy Perry na nagpakamatay dahil sa religious bigotry. May nagsabi sa kanyang babae na, “why not create a church of your own kind?” Troy Perry started a public worship, “napaka-diverse kaagad nu’n. Labindalawa ang dumating in all diffe­rent religion and different sexual orientation. Nakatutuwa.”

Ang isa kasi sa mga isyu ng LGBT ay religion. At kadalasan ng mga LGBT ayaw sagutin sa religion dahil hindi naman sila nagbabasa ng bibliya dahil pakiramdam nila sila’y kinokondena.

Kaya madalas na sinasabi ko, “bakla magbasa ka din naman ng bibliya. Kasi may sagot naman ang bibliya sa sinasabi nila.”

“If bigotry comes from religion, religion can liberate us out from bigotry. Ang sabi nga sa Mariology (A study of Mother Mary) namin ang sasagot sa kasalanan ni Eba ay babae din,” wika pa ni Rev. Ceejay.

Ayon pa kay Ceejay, ang pagkakasal ay hindi lamang simbolismo kundi isa din itong ritwal dahil m mayroon silang certificate. Ang ritwal ng holy union ay parte ng dalawang sacraments at limang ritwal ng simbahan.

Ito’y binubuo ng rite of ordination, rite of holy union, rite of service, rite of blessing at right of church initiation. At ang same sex marriage ay walang pinagkaiba sa ordinaryong taong kinasal. Mayroon din nagkakahiwalay.

Idinagdag pa nitong ang society ng Filipinas ay hindi pa rin tumatanggap sa mga katulad nilang mga LGBT dahil wala pang batas na naipapasa para sa kanilang proteksiyon tulad ng diskriminasyon.

Gayunpaman, ang LGBT community umano ay patuloy sa pakikipaglaban hangga’t hindi nagbabago ang posisyon ng simbahan tungkol sa marriage equality at karapatan ng mga LGBT. Naniniwala rin siya na ang Presidente ay pabor sa Same Sex Marriage, tinutukoy niya dito ang pagdalo ng Presidente sa 7th LGBT Davao-Year-End Gathering sa Lanang Davao noong Disyembre 17, 2017.

Ang same sex marriage ay nananatiling ipinagbabawal dahil sa umiiral na batas. Dagdag ni Rev. Ceejay, nananatili pa rin ang diskriminasyon dahil hindi pa rin naipapasa ang SOGIE (Sexual Orientation Gender Identity Expression) bill kung saan binibigyan ng proteksiyon ang sino man base sa iyong seksuwalidad.

Noong Hunyo 24, 2018, nagsagawa ang LGBTS Christian Church ng isang mass LGBT wedding. Text and photos by NIKON CELIS

Comments are closed.