HINIKAYAT ni Senador Sonny Angara ang Department of Tourism (DOT) na ipalaganap ang “storytelling” o pagku-kuwento tungkol sa turismo ng Filipinas.
Ayon kay Angara, malaking bagay ito upang mas maraming dayuhan ang mahikayat na bumisita sa bansa at silipin ang maga-ganda nating tanawin at lugar.
Ipinahayag ito ng senador bago aprubahan ng Mataas na Kapulungan ang panukalang P3.377-B DOT budget nitong Lunes.
“Magandang paraan ang “storytelling” o pagkukuwento tungkol sa turismo dahil makukuha natin ang interes ng mga dayuhan na pumunta rito at mapatunayan sa kanilang sarili ang ganda ng Filipinas,” ani Angara, chairman ng senate committee on local gov-ernment.
Nakiisa rin si Angara sa mga kasamahan nitong senador na sina Richard Gordon at Juan Miguel Zubiri sa panawagan sa DOT na gawing prayoridad sa mga programa nito ang storytelling sapagkat tiyak na mapalalakas nito ang Philippine tourism.
Ang kakulangan sa pag-endorso sa ating naggagandahang tourist destinations ang isa sa mga suliranin kaya’t nananatili tayong talo sa usaping turismo sa ating mga karatig-bansa sa Southeast Asia.
Partikular na binanggit ni Angara ang Boracay na sa kabila ng taglay na ganda ay hindi naman “naibebenta” tulad ng kasikatan ng Bali beaches. Ito, ayon sa senador ay dahil sa solidong promosyon ng Indonesia sa naturang tourist destination.
“Kumpara sa Bali, masasabi nating mas malayo ang ganda ng Boracay, maging ng mga karagatan namin sa Aurora. Ang prob-lema lang, wala tayong ipinakakalat na magagandang kuwento tungkol sa angking kagandahan ng ating sariling karagatan,” ani Angara.VICKY CERVALES
Comments are closed.