(Kuwentuhan naging kabuhayan) NAKAHUHUMALING NA TAPSILUGAN

HINDI lubusang maisip ng isang Seafearer o Seaman na si Jerico Sumampong,23-anyos na magiging isa siyang young entrepreneur.

Dahil sa isang simpleng kuwentuhan nilang magkakaibigan sa kasagsagan ng pandemya ay nakabuo sila ng ideya ng magtayo ng isang negosyo o kabuhayang tapsilugan.

Common na negos­yong ito ngunit ang negos­yong tapsilugan ni Jerico at ng kanyang mga kabigan ay binigyan nila ng kakaibang pang-akit sa mga taong mahilig sa pagkain dahil tinawag nila itong “HUMALING” na na­ngangahulugan na kahuhumalingan kapag natikman ang pagkaing inihanda.

Hindi naging madali ang pagtatayo ng tapsilugan ni Jerico dahil sa nagsimula siya sa online selling/ online platform.

Nagtitiyaga rin siyang magdeliver ng mga order via online subalit nahinto ito dahil sa mas istriktong quarantine na ipinapatupad ng pamahalaan dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Naisipan ni Jerico na pumasok bilang rider ng isang milktea pero huminto rin siya at naisipang magtayo ng sariling negosyo ngunit hindi natuloy dahil sa kawalan ng sapat na kapital.

Tinangka rin ni Jerico manghiram ng puhunan dahil sa ubos na rin ang kanyang ipon mula sa pagbabarko dahil sa pa­ngangailangan ng kanyang pamilya at mahigit isang taon na rin siyang hindi nakakasakay.

Ngunit hindi pa rin nawalan ng pag-asa si Jerico at  isang araw, may magbigay sa kanya ng kaunting tiwala at agad siyang naghanap ng lugar na pagtatayuan ng tapsilugan.

At para tuluyang maging matagumpay ang kanyang planong tapsilugan ay kinausap nito ang kanyang apat na kaibigan na nauna na niyang nakunan ng ideya sa tapsilugan na agad naman nag-invest  dahilan para masimulan na ang matagal ng binalak at pinapangarap na negosyo.

Bukod dito, nag-isip din silang mga magkakaibigan ng ibat-ibang recipe o putahe para sa itatayo nilang tapsilugan.

Aminado si Jerico na hindi madali ang lahat lalo na’t sa simula ng pagbubukas nila ng negosyo hindi alam kung agarang kikita at kung magkano.

Naging inspirasyon ni Jerico para magtayo ng isang negosyo ang mga komento sa kanya ng mga customer noong nagsisi­mula pa ito sa online.

Kaya’t bukod sa puwesto ng HUMALING na matatagpuan sa West Rembo, Makati City ay patuloy pa rin nagde-deliver at kumukuha ng order online.

Nagpapasarap din sa tapsilugan ni Jerico ay ang kanilang Java Rice dahil sa sulit at kakaibang lasa at maging ang pagkakamarinate ng ibat-ibang mga putahe.

“Ang sarap po solid! Angas ng Java rice nyo kuya babalikan ko yan. Alam niyo po sobrang sarap ng pagkain nyo kumpara sa iba silogan sa inyo hindi tinipid, lalago tong business nyo pro­mise!” comment ng kanilang mga customer.

Sa kasalukuyan ay unti-unti nang nakakabawi ang kanilang tapsilugan at unti-unti nang tumataas ang kanilang daily sales lalo na’t nagluwag na ng konti ang ating pamahalaan.

Kabilang sa kanilang best seller’s ay Java Rice, Sisig, breaded porksilog, pares, sizzling tofu, at sizzling hotdog.

Laking gulat din ni Jerico na hinahanap-hanap na din ng kanilang mga suki at customer ang kinaroroonan ng kanilang puwesto.

Maayos din ang benepisyong ipinagkakaloob ni Jerico sa kanyang dalawang tauhan.

At sa kabila ng kanilang pagbubukas ay maingat pa rin nilang ipinapatupad ang mga safety protocols at pagsusuot ng face mask at ang pagsa-sanitize ng mga kamay.

Lahat din ng kanyang tauhan at maging siya ay puro bakunado na kung kaya’t mababawasan ang anumang pangamba ng customers.

Kaya advice ni Jeri­co sa mga tulad niyang young entrepreneur at mga nangangarap na maging isang Entrepreneur, “Keep dreaming malay mo ung pinapangarap mo isa sa mga sisikat sa mga susunod na araw ma­ngarap lang ng mangarap wag tumigil kase kapag nakuntento kana kung ano ka ngayon hanggang dyan ka nalang di ka na uunlad.”

Ang motto din ng kanilang tapsilugan ay “ Don’t count the calories, Count the memories.”

Kung kaya’t naka-focus lang si Jerico sa kanyang goal na mapalago ang munting negosyo habang di pa siya nakakasakay uli ng barko. CRISPIN RIZAL