DAHIL sa kinukuwestiyong pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), tiwala si Senador Panfilo Lacson na ibi-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa panukalang P4.5 trillion 2021 national budget ang umanoy hindi dapat na infrastructure fund sa magiging budget ng kagawaran
Ayon kay Lacson, nagboboluntaryo na siya para tumulong sa pagrepaso ng Malakanyang sa panukalang pambansang pondo para matukoy ang hindi karapat-dapat at dapat tapyasin.
Partikular na tinukoy ng senador ang pondo para sa multi-purpose building ,kalsada at road right of way na napondohan na ngayon at noong mga nakaraang taon subalit hindi pa rin tapos.
Gayundin ang 793 na item sa DPWH kung saan pare-parehong pinaglaanan ng tig-P1 milyon pababa para sa multi-purpose building.
Layunin ni Lacson na masiguro na hindi masasayang ang pondo ng gobyerno at kung ibe-veto umano ng Pangulo ang mga ibinulgar niya na mga kuwestiyonableng item sa DPWH ay hindi ito ang unang pagkakataon.
Tinukoy niya ang 2019 national budget kung saan vineto ng Pangulo ang binulgar niyang nasa P95 bilyon na halaga ng illegal na insertions buhat sa Kamara. LIZA SORIANO
Comments are closed.