ANG BUHAY AT TAGUMPAY SA NEGOSYO NI KUYA ED (Ang Tunay na Kuwento ng Kuya Ed’s Roasted and Fried)

Ni Mary Easter Claire S. Perez-Torres

Sino ba si Kuya Ed?

 

Si Mr. Edison Tan, 37 anyos na gulang, binata, ay isang simpleng  mamayan mula sa Surigao Del Norte, nakapagtapos siya ng kaniyang kursong BS Economics sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). Nagtrabaho siya sa ibat ibang kumpanya bago naisipang magtayo ng sariling negosyo – na kaniyang pangarap noong bata pa lamang siya – ang maghatid ng masasarap na pagkain at saya sa salu-salo sa bawat hapag-kainan ng pamilyang Filipino. Nakatanggap siya ng titulong Most Remarkable and Inspiring Business Leader Award na iginawad ng Asia’s Golden Icons Awards at ang Kuya Ed’s Roasted and Fried naman ay pinarangalan bilang Most Promising Business Brand of the Year ng Gawad Parangal nito lamang taong 2022.

Bakit Roasted and Fried at paano nagsimula ang business ni Kuya Ed?

Nagsimula ang Kuya Ed’s Roasted and Fried dahil sa hilig ni Edison sa masasarap na pag­kaing Pinoy. Lumaki siyang nasanay sa masasarap na pagkaing niluluto ng kaniyang ina at ang kaniyang paborito ay ang madalas na nakikita sa mga handaan tulad ng birthday at fiesta, spaghetti at fried chicken. Dahil dito, simula pagkabata, naging inspirasyon at pangarap niya nang magkaroon ng sariling restaurant na magbibigay-kasiyahan sa buong pamilya na ang inihahain ay ang mga paborito ng mga Filipino sa mga handaan.

Bago pa man nagsimula ang Kuya Ed’s, iba’t ibang kumpanya at industriya muna ang pinasukan ni Edison upang magkaroon ng hanapbuhay at karanasan sa pagtatrabaho. Nang makaipon, dito na niya naisipang simulan ang kaniyang matagal nang pangarap  – ang magkaroon ng sariling negosyo.

 

Nagsimulang magbukas si Edison ng mga negosyo na sa palagay niya ay may potensyal na lumago kagaya na lamang ng laundry shop at trucking services. Sa kabila nito, hindi niya nakita ang kaniyang sarili na nasisiyahan sa kaniyang mga sinubukang negosyo. Dito na niya sinubukan ang pagtayo ng negosyong matagal na niyang pangarap – ang masasarap na pagkain. Sinimulan niya ito habang nagtatrabaho pa rin siya sa isang kumpanya. Baon ang lakas ng loob, kinukuha niya ang mga order na pagkain at leche flan ng kaniyang mga kasamahan sa opisina. Naging masaya siya na nakikita ang ngiti sa mukha ng kaniyang mga kustomer kung kaya tuluyan niyang tinutukan ang pagpasok sa restaurant business.

Unang binuksan ni Edison ang Sampaloc branch na malapit sa isang unibersidad sa Maynila noong 2018. Maganda ang naging pagtanggap ng kanilang mga kustomer lalo na ang mga estudyanteng madalas kumakain sa kanila. Sa tulong ng kaniyang mga kaibigan at dating kasamahan sa trabaho, naging sapat ang kaniyang puhunan upang magbukas ng isa pang branch. Ang apat na magka­kaibigan na sina Edison Tan, Ronnel Prestoza, Deo Baniaga, at Alvin Joseph Gutierrez ay nagsanib-puwersa at sama-samang nagtulungan upang mabuo ang kanilang pangarap.

Lalo pang naging patok ang Kuya Ed’s noong kasagsagan ng pandemya dahil sa lockdowns at restrictions na ipinatutupad ng gob­yerno. Dahil nanatili ang mga tao sa loob ng kanilang tahanan kaya marami sa ating mga kababayan ang umasa sa pagorder ng pagkain online at food delivery. Noong 2021, marami ang naging interesado para mag-franchise ng Kuya Ed’s na umabot ito ng 15 branches. Sa kasalukuyan, mayroon nang 24 branches ang Kuya Ed’s Roasted and Fried na matatagpuan sa Metro Manila, Cavite, Laguna, at ang pinakamalayo ay sa Cagayan. Marami pang pang branches ang bubuksan sa Pampanga, Bulacan, Pangasinan at tinitingnan na rin ang expansion sa Visayas at Mindanao sa mga darating pang panahon.

Dining experiance sa Kuya Ed’s Roasted at Fried.

Ano ang mayroon sa Kuya Ed’s Roasted and Fried?

Best-selling ng Kuya Ed’s ang ipinag­mamalaki nitong “Signature Roasted Chicken”. Siksik ito sa herbs at mayroong masarap na sauce kaya naman ito binabalik-balikan. Gustong-gusto rin ng mga mamimili ang liempo, barbecue, lumpia, chicken wings na may iba’t ibang flavor, at sisig. Madalas ding orderin ng mga kustomer ang kakaibang spaghetti at carbonara na pasok na pasok sa panlasang Pinoy. Hindi rin maitatanggi ang isa sa mga healthy option sa Kuya Ed’s, ang Healthy Squeeze, na mayroong pagpipiliang flavors tulad ng kalamansi, lemon, at orange. Ang lahat ng ito ay maaari ring mabili sa bilao packages – na isa rin sa naging dahilan upang makilala ang Kuya Ed’s.

Hindi nililimitahan ng Kuya Ed’s ang mga pagkain na kanilang ini-o-offer sa mga kustomer dahil bukas din ito sa mga bagong pagkain na maidadagdag pa sa menu nito kagaya na lamang ng coffee at lava na isang collaboration kasama ang Taralets Café na kilalang “coffee shop in a truck”.

 

Nagsimula na rin ang collaboration ng Kuya Ed’s sa batikang broadcaster na si Ms. Aida Gonzales na may-ari ng TinapayMo at dahil dito, nabuo ang tinatawag na “EDSdesal” na malunggay-pandesal na mayroong palaman na pork/chicken sisig, pork barbecue, o chicken pastil na tiyak na kawiwilihan at kababaliwan ng mga customers sa Kuya Ed’s.

Outreach program sa orphanage.

 

Ano ang sikreto ng Kuya Ed’s Roasted and Fried?

Sikreto ng Kuya Ed’s ang pagmamahal na mayroon siya sa pamilyang Filipino at sa mga taong nagtatrabaho sa kanilang kumpanya. Dahil nais ng Kuya Ed’s ang makatulong at makapagbigay ng maraming hanapbuhay para sa mga taong nangangailangan ng trabaho. Bukod pa rito, ang Kuya Ed’s, sa pamumuno ni Edison, na siyang founder at CEO, ay patuloy na nagbibigay-tulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng outreach programs sa mga orphanage at mental establishment dahil mahalaga sa Kuya Ed’s Roasted and Fried ang makapagbahagi ng kaligayahan sa lahat sa pamamagitan ng masarap na Filipinong pagkain at handaan.

Ano ang naitulong ng AFFI sa Kuya Ed’s Roasted and Fried?

Simula nang naging miyembro ang Kuya Ed’s Roasted and Fried sa Association of Filipino Franchisers, Inc. (AFFI), nagbukas ito ng maraming oportunidad sa kumpanya upang mas lalo pa itong makilala at magkaroon ng mga kaibigang tumutulong at nagmementor upang lumago ang negosyo. Naging makabuluhan ang pagsali ng Kuya Ed’s dahil nagkaroon ito ng mga collaborations, suppliers, at bagong kaalaman sa pagpapatatag ng kumpanya. Dahil sa AFFI Hour na unang beses na dinaluhan ni Edison, ay nagkaroon ito ng oportunidad para ma-interview sa radio kung saan niya nakilala ang kaniyang collaborative partner sa EDSdesal, ang broadcaster na si Ms. Aida Gonzales.

Gustong mag-franchise ng Kuya Ed’s, anong dapat gawin?

Isa sa mga adbokasiya ng Kuya Ed’s ang tumulong sa mga Filipino na nais magka-negosyo, kaya naman nag-ooffer ang kumpanya ng murang franchise packages na maaaring magsimula sa maliit na puhunan na P275,000.00 para sa isang Kiosk at P400,000.00 pataas naman para sa restaurant at bistro type. Maaari ring umpisahan ang negosyo bilang investment partner sa Kuya Ed’s Roasted and Fried.

 

Alam ng Kuya Ed’s na marami ang may gustong magkaroon ng negosyo, ngunit karamihan ay natatakot at hindi pa alam kung paano ito sisimulan. Sa sinumang interesado na ma­ging business franchise ang Kuya Ed’s Roasted and Fried, mag-message lamang sa main page ng Kuya Ed’s Roasted and Fried Facebook page nito para mapag-usapan ang mga kaukulang requirements na kailangang i-sumite. At, kung may mga kakulangan sa puhunan, maaari ring mag-apply for business loan sa partner nitong Card SME Bank upang tugunan ang pangangailangan nitong pinansiyal o kapital bilang tulong sa pagsisimula ng negosyo, na isa rin sa mga miyembro ng AFFI.

 

Ang isa pa sa ipinagmamalaki ng Kuya Ed’s ay ang No Royalty Fee at Lifetime Partnership na kanilang in-o-offer sa mga franchisees upang hindi nila maramdaman na sila ay iniiwan o pinababayaan ng kanilang franchisers. Mula sa mga kagamitan, supplies, at marketing materials, ang Kuya Ed’s ay laging nariyan para sa lahat ng pangangailangan ng franchisees at investors. Maituturing na pagsali sa isang pamilya na alam mong hindi ka iiwan kahit kalian ang pag-franchise ng Kuya Ed’s.

In-studio guesting sa Usapang Payaman sa DWIZ 882.

Ano pa ang dapat abangan sa Kuya Ed’s Roasted and Fried?

Marami pang idadagdag sa menu ng Kuya Ed’s kagaya ng Lechon Belly, Pansit Bihon, Pansit Canton, Red Berry Tea, Lemon Iced Tea, Green Cucumber, EDSdesal, at Gourmet Chicken Wings na may napakasasarap na bagong flavor tulad ng Teriyaki, Premium Buffalo, at Honey Glaze. Lahat ng ito ang kukumpleto sa masarap na handaang Filipino sa Bilao Packages ngayong paparating na ang mga paborito nating handaan at selebrasyon.

Bukod sa nakatatakam na pagkaing Pinoy, abangan din ang mga promo, surprise prizes, loyalty cards sa mga suki at masusugid na kustomer ng Kuya Ed’s dahil tiyak na kawiwilihan ito at lalo pang mapapabili sa Kuya Ed’s Roasted and Fried – Manok Natin ‘to!

 

Kuya Ed’s Roasted and Fried contact details: Email address: kuyaedsofficial@gmail.com; cellphone number: 09999566826; Facebook Page: facebook.com/KuyaedsMainPage