KUYA KIM ININTRIGA ANG “IT’S SHOWTIME”

HOT topic ngayon sa social media ang komento ng bagong Kapuso star na si Kim Atienza sa isang shared post ng kaniyang co-host sa Mars Pa More with Pars Kim Atienza na si Camille Prats. Normal na reaksyon bilang nakababatang kapatid na ipagmalaki ni Camille sa kanyang mga follo­wers sa Facebook ang post ng kaniyang kapatid na si John Prats, na opisyal nang naitalaga bilang isa sa mga direktor sa longest running action drama series na FPJ’s Ang Pro­binsyano kung saan isa rin siya sa mga supporting actors na gumaganap bilang isa ring alagad ng batas.

Naganap ito sa ginawang mega welcome nina Coco Martin at iba pang ABS-CBN executives kay Megastar Sharon Cuneta, na pinakabagong miyembro sa mas lumala­king cast ng serye.

“Kuya ko yaaaan!!!” ang very proud na nasabi ni Camille sa kaniyang post. At sinundan kaagad ni Kuya Kim ang nasabing komento ng ganito.

“Nothing is an accident mars Camille. Galing ni Lord no? Iniwas siya sa sakit ng ulo.”

Burado na ang nasabing komento pero maraming netizens pa rin ang pumiyok dahil feeling nila ay may laman ang sinabi ni Kuya Kim.

“Galing si JP sa It’s showtime. Sinasabi mo bang sakit sa ulo ang It’s showtime?” diretsahang tanong ng isang netizen.“ Diretsahin mo Kuya Kim parang my something ang lalim ng salita mo eh,” dagdag ng isa pang netizen.“Parang tulad din nung isang director na umalis. Kukuda pag wala na sa show. Backstabber ka din koloka! Lalaos ka din,” mataray na komento ng isa pang netizen.

Ang tinutukoy umanong sakit ng ulo ni Kuya Kim  ay ang segment na ‘ReINA ng Tahanan’ at ‘Madlang Pi-POLL’. Tanda n’yo pa ba yung paglusong niya sa baha at sumakay pa siya sa truck ng kaniyang tatay para makarating sa studio? Sayang at kinailangang mag-lock in taping ni JP para sa FPJAP kaya pansamantala muna itong nagpaalam sa It’s Showtime. Dinig nga namin nakatakda dapat maging opisyal na direktor ng noontime show si John pero dahil hectic ang schedule at layo ng location ng FPJAP, hindi ito natuloy. Pero tuloy naman ang kanyang pagdidirek sa FPJAP.

JOHN LLOYD CRUZ MAY BAGONG LOVE INTEREST

HOW true na may bago raw nagpapatibok sa puso ng bagong Kapuso  actor na si John Lloyd Cruz? Hindi mamatay-matay ang mga espekulasyong si Lloydie ang mystery guy na madalas na subject ng painter  na si Isabel Santos na palagi niyang ipini-feature sa kanyang social media posts.

Isang fan ang nag-repost ng larawan ng aktor na may katabing dalawang aso. Parehong-pareho kasi ang mga asong kasama ni Lloydie sa mga pet dog ng pintor na mula sa kanyang IG story. Bukod pa rito, buwan ng September nang mapansin ng ilan na mukhang si John Lloyd nga ang lalaking nasa IG post ni Isabel kahit pa nakatalikod ito. Sa true lang, walang dapat ilihim sina John Lloyd at Isabel kung totoo mang may relasyon sila.

 

WHAZZUP  NADINE LUSTRE?

NA-PUZZLE ang mga fans ni Nadine Lustre matapos niyang ibahagi ang mukha ng bago niyang boyfriend. First time siyang nag-post ng larawan ng sinasabing kasintahang si Christophe Bariou.

Dahil dito ay nabulabog ang kanyang mga tagahanga dahil mukhang ito na nga ang lalaking ipinalit niya kay James Reid. Kasunod nito, naki­ta rin si Christophe kasama ang pamilya ni Nadine sa Siargao. Although wala pang direktang pag-amin, very obvious namanng sila nan ga.

What you see is what you get’ ang drama ni Nadine ngayon pagdating sa kanyang buhay pag-ibig, kaya hindi na nagulat ang kanyang mga supporters sa naging pahayag niya sa virtual Interview ng CNN Philippines, kung saan ikinuwento niya ang tungkol sa kanyang upcoming projects and her latest single titled ‘Wait for me’.

Plano raw ni Nadine na manirahan na sa Siargao.

“Yes I am, I’m really considering on moving to Siargao. Just because I’ve always wanted to be closer to nature. And just being on the island really helps with my mental health. Everything is simple there, which is something that I really love,” pag-amin pa ni Nadine. “And yeah, my life is totally different now. I guess it’s just, you know I think it’s just what I’ve chosen. Still working on the same stuff. A lot of projects coming in. Definitely working on music still but probably be more based on the island now,” dagdag pa niya.

Kasama rin pala sa Siargao ang pamilya ni Christophe noong birthday celebration ni Nadine last October 31. Mukhang happy naman sila lahat base sa kanilang mga post