KUYA NG ABC PREXY ITINUMBA SA HARAP NG KAIBIGAN

baril

LAGUNA – PATAY ang 45-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa harapan ng kanyang tirahan sa Brgy. Sta. Maria, Magdalena, lungsod ng San Pablo kahapon ng umaga.

Sa ulat ni PLt. Col. Eliseo Bernales, hepe ng pulisya kay Laguna-PNP Provincial Director PCol. Eleazar Matta, nakilala ang biktimang si Ge­ner Amante JR, may asawa, nakatatandang kapatid ni San Pablo City ABC President Maning Amante.

Alas-7:50 ng uma­ga nang maganap ang naturang insidente habang nakaupo at kausap ng biktima sa harap ng kanyang tirahan ang anim sa kanyang mga kapitbahay na kalalakihan nang  biglang dumating ang mga suspek lulan sa isang kulay itim na SUV na walang plaka.

Sapul ng closed circuit television ng agarang pagbaba ng apat na suspek na pawang nakasuot ng itim na camouflage uniform armado ng M16 armalite rifle bago walang habas na pinagbabaril ng mga ito ang biktima habang papasok sa loob ng kanilang bakuran.

Nagsitakas ang mga suspek patungo sa Sitio Maabo ng lugar na ito makaraan ang pamamaril.

Patuloy na nagsasagawa ng follow up at manhunt operation ang mga tauhan ni Bernales para sa agarang pagkaka­kilanlan ng mga tumakas na mga suspek at sa posibleng motibo sa krimen. DICK GARAY

Comments are closed.