KUYA TINAGA DAHIL SA LUPA

ILOCOS SUR- SIGALOT sa minanang lupain ang isa sa pangunahing dahilan kaya pinagtataga hanggang sa mapatay ng bunsong kapatid ang sariling kuya sa Barangay San Juan, bayan ng Cervantes sa lalawigang ito noong Biyernes Santo ng gabi.

Dead on arrival sa Ilocos Sur District Hospital ang biktimang si Joel Jacusalem Cudiamat,47-anyos habang sumuko naman sa pulisya ang suspect na si Lolito Jacusalem Cudiamat Jr., 42-anyos, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Base sa police report, sumiklab ang bangayan ng magkapatid na Cudiamat kaugnay sa pinagtatalunang ari-arian partikular ang lupaing kanilang nasasakupan hanggang sa mauwi sa batuhan kung saan napayapa naman ng kanilang kamag-anak.

Gayunpaman, muling sumiklab ang awayan ng magkapatid na armado ng patalim ang biktima habang hawak naman ng suspek ang itak.

Nagpambuno ang magkapatid kung saan nakatiyempo ang suspek at pinagtataga ang biktima sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Nagawang awatin ng isang kamag-anak ang mag-utol kung saan nasugatan din at naisugod sa nasabing ospital habang sumuko naman ang suspek.

Narekober sa crime scene ang patalim at itak na may 22 pulgada na ginamit ng suspect sa krimen. MHAR BASCO

5 thoughts on “KUYA TINAGA DAHIL SA LUPA”

  1. 302193 121052We stumbled over here coming from a different internet page and thought I may well check issues out. I like what I see so now im following you. Look forward to exploring your internet page but once more. 554004

Comments are closed.