(Kuzma nagbida) TEAM WORLD LUGMOK SA TEAM USA

CHARLOTTE, North Carolina – Tinambakan ng Team USA ang Team World, 161-144, sa opening competition ng All-Star Weekend noong Biyernes ng gabi sa Spectrum Center.

Itinanghal si Lakers guard Kyle Kuzma bilang MVP ng laro. Kumana siya ng  game-high 35 points at hu­mablot ng 6 rebounds, habang nagdagdag si  Celtics forward Jayson Tatum ng 30 para sa Team USA. Si Kuzma ay 15 of 27 mula sa field sa 22 minutong paglalaro.

“I played in this game last year and was really lackadaisical. I didn’t want to do that again,” wika ni Kuzma.

Bumilib naman ang kanyang teammates.

“He definitely showed out tonight. Without his 35 we probably lose,” ani Hawks guard Trae Young.

Ang annual exhibition game ay tinatampukan ng mga player sa kanilang  first at second seasons sa liga.

Nanguna si Ben Simmons para sa World na may 28 points, kung saan naisalpak niya ang 14 sa kanyang 17 shots.

Naipasok ni Jazz forward Donovan Mitchell ang unang free throw sa laro, may 2:30 ang na­lalabi sa third quarter, upang makumpleto ang and-1 play.

Umabante ang Team USA sa 83-71 sa halftime, at bumuslo ng 62.1 percent mula sa field.

Comments are closed.