KWATRO KANTOS KAABANG-ABANG NA TALAKAYAN

Maiinit na isyung politika tuwing Sabado sa Bilyonaryo News Channel ang bagong palabas na Kwatro Kantos. Ito ay walang takot na talk show na tumututok sa iba’t ibang usapin tulad ng komplikadong isyung pulitikal at iba pang paksa sa mga social issue.

Bawat episode nito ay nagpapakita ng malalim na diskusyon at eskpertong pag-analisa sa mga usapin na inaasahang magbibigay ng mas malalim na pang-unawa sa bawat isyu.

Ang live telecast na ito ay umeere tuwing Sabado, alas-10:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga at mapapanood naman ang replay tuwing weekday.

Tumatayong host dito ang apat na eksperto sa pangunguna ng beteranong brodkaster na si Michael Fajatin, na  kilala sa kanyang malalim na pagrereport at masiglang estilo ng pagtalakay.

Ang Kuwatro Kantos ay naghahatid ng sama-sama at pangmalakasang kaalaman sa mga manonood.

Kasama rin ang PR expert na si Alan German, na nag-aalok ng modernong  estratehiya sa komunikasyon at pampublikong pananaw, na lalong magpapasigla sa talakayan.

Kasama rin si dating Cabinet Secretary for Political Affairs Ronald Llamas na gamit ang kanyang malawak na karanasan sa mga kaganapang pampulitika ay lalo pang magpapalalim sa mga usapan at talakayan sa current events  na nakakaapekto sa pamunuan at lipunan ng Pilipinas.

Dagdag pa, si  Professor Guido David na hindi matatawaran ang pagiging dalubhasa  bilang kilalang data analyst, kaya naman ang talakayan ay siguradong  nakabase sa mga datos  kung saan makakaasa ang mga  mga manonood na ang nakukuha nilang kaalaman ay may matibay na basehan.

Ang show ay magpapakita ng mga kagigiliwang ekspertong pa­nayam, masasayang diskusyon at interactive na partisipasyon ng mga manonood. Bawat episode ay nakapokus sa mainit at napapanahong isyu kung saan ang mga host ay magbibigay ng malalim na perspektibo at pag-analisa sa mga isyu. Ang mga manonood naman ay hinihikayat na aktibong magbigay ng kanilang opinyon, na lalo pang magpapakulay ng talakayan.

Ang Kwatro Kantos ay naglalayong magbigay ng impormasyon at kaalaman sa mga manonood tungkol sa lagay ng pulitika sa Pilipinas, at hikayatin ang pakikiisa ng publiko at i-promote pa ang kritikal na  pag-iisip sa pamamagitan ng mga diskusyon.

Sa pagtugon sa mga hamon at oportunidad na kinakaharap ng ating bansa, layunin ng show na palakasin ang mga manonood bilang aktibong kalahok sa demokrasya.

Ang Bilyonaryo News Channel ay available na sa libreng television channel na BEAM TV 31 (sa pamamagitan ng digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Ilo­ilo, Baguio, Zamboanga, at Naga) gayundin sa nangungunang cable TV provider, ang Cignal Channel 24.