TATANGGAP ng mga nominasyon ang KWF para sa kauna-unahang KWF PAMBANSANG GAWAD WENCESLAO Q. VINZONS SA PERYODISMONG PANGKAMPUS hanggang sa 13 MARSO 2020, 5NH.
Ang KWF Gawad Vinzons ay pagkilala at parangal sa mga pahayagang pangkampus na nagpamalas ng sinop at husay sa paggamit ng wikang Fili-pino.
MGA TUNTUNIN SA PAGLAHOK
1. Pagsusumite ng isang (1) kopya ng mga peryodikong kabilang sa 10 NATATANGING PERYODIKONG PANGKAMPUS (BEST SCHOOL PAPERS) (Kategorya: High School, Filipino) sa nakaraang DepEd Regional Schools Press Conference (RSPC).
2. Pagsusumite ng sinagutang pormularyo ng nominasyon at maikling tala o kasaysayan ukol sa nomi-nadong peryodiko.
Para sa pormularyo ng nominasyon, magtungo sa link na: http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/gawad-vinzons-pormularyo-2020.pdf
Ipadala ang mga nominasyon sa:
LUPON SA KWF PAMBANSANG GAWAD SA PERYODISMONG PANGKAMPUS 2020
Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN)
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
2P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Maynila
Para sa mga paaralan na kalahok sa DepEd NSPC sa Tuguegarao, maaaring isumite sa KWF staff na nasa Tuguegarao ang kopya ng peryodiko at ang pormularyo ng nominasyon sa 10 Marso 2020 sa KWF Pambansang Klinik sa Estilong Filipino sa St Paul University of the Philippines, Tuguega-rao, Cagayan.
Para sa mga tanong, makipag-ugnayan lamang kay Bb. Kriscell Largo Labor sa cellphone blg. 09667518563 at email na [email protected].
Comments are closed.