KYLIE PADILLA BIBIGLAIN NA LANG ANG PUBLIKO SA KASAL NILA NI ALJUR

ISANG taon na rin naman ang anak nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Tanggap na ng pamilya ni Kyliewallface si Aljur, lalong-lalo na ang ama ni Kylie na si Robin Padilla. Maging sa kanyang showbiz career ay unti-unti na rin naman nakakabalik si Kylie. Nagkasunod-sunod na rin ang mga guesting ni Kylie sa GMA7. At dahil sexy na ulit si Kylie ay marami ang nagtatanong kung may chance na masundan na ang kanilang anak nila ni Aljur?

Ayon naman kay Kylie, wala pa raw sa plano nila ni Aljur na sundan ang anak, pero nasa plano na nilang dalawa ang pagpapakasal.

Ani pa ni Kylie, mabibigla na lang daw ang mga nagmamahal sa kanila sa gagawing pagpapakasal dahilan sa anytime soon ay mangyayari na raw ito, not sooner than we think ang say ni Kylie sa isang post niya sa social media.

ROBI DOMINGO KINUKUWESTIYON ANG KAKAYAHAN

ROBI DOMINGOKASABAY halos ng break-up nina Robi Domingo at ng dating girlfriend na si Gretchen Ho, ay tila nagsunod-sunod ang pagsubok sa katatagan ni Robi bilang isang indibiduwal at isang showbiz figure. Halos isang taon din na walang naging trabaho si Robi na nasaba­yan pa ng paghihiwalay nila ng landas ni Gretchen.

Aminado ang magaling na host na noong time na wala siyang ‘work’ ay na­ging palaisip siya at madalas nagigising sa madaling araw and feeling sad. Natatanong niya raw sa sarili kung ‘kapalit-palit’ nga ba siya at wala siyang work? Dumating pa sa punto na nakita niya ang mga dating kaklase na ngayon ay professionals na.

Ani ni Robi, kung tinuloy niya rin daw ang kanyang pag-aaral ma­lamang ay graduate na rin siya. Ngayon ay may work si Robi, sa ABS-CBN, siya ang isa sa napiling host ng “Star Hunt” ang bagong ta­lent artista search show ng Kapamilya Network. Kasabay naman ng bagong work ay muli na naman nabuhay ang ‘puso’ ni Robi.

Binuking kasi ni Alex na nahuli niya si Robi na may kasamang isang girl na namimili sa isang supermarket. Hindi naman ikinaila ni Robi na kasama niya ang girl nang makita sila ni Alex and ‘yun din daw ang same girl na kasama  niyang dumalo sa premiere night ng movie ni Anne Curtis. Pakiusap lang ni Robi na sana ay ibalato na lang sa kanya ang personal niyang buhay dahil very private daw ang bagong girl na nagpapasaya sa kanya ngayon. Wala namang inamin si Robi kung sila na nu’ng girl o nililigawan niya ito.

BB GANDANGHARI LAKAS LOOB NA IPAKIKILALA ANG PAPA KAY ROBIN PADILLA

BB GANDANGHARIHINDI rin ganun kadali para sa magkapatid na Robin Padilla at BB Gandanghari ang pagbabati nang piliin ng huli na ibun­yag ang kanyang tunay na pagkatao. May halo mang pagkabigla ay naghari pa rin ang pagiging magkadugo ng dalawa at dumating na nga sa punto na buong pamilya ni BB ay tanggap na ang bagong buhay na pinili. Ngayon naman ay isang pagsubok ang kakaharapin ng magkapatid.

Kung matatandaan ay nasabi ni Binoe na tanggap na niya nang buong-buo ang kapatid pero ang hindi niya lang matatanggap ay ang pagkakaroon nito ng boypren. At dahil namalagi sa US si BB at tanggap doon ang pagiging legal ng same sex relationship ay na-inlove itong si BB at nga­yon ay binabalak na umuwi sa Pinas para ipakilala ang partner sa buong pamilya. Pinag-isipan daw ito ng mabuti ni BB at nanaig pa rin ang pagiging dugong Pinoy, na humihingi ng blessing ang anak o kapatid bago magpakasal.

Balik-Pinas si BB ka­sama ang partner para hu­mingi ng bendisyon sa plano nilang pagpapakasal sa US.     Ang tanong nga­yon, kung madali rin itong matatanggap ng kanyang pamilya, paano na kaya kay Robin?

Comments are closed.