KYLIE PADILLA HANDA NANG MAGBALIK-SHOWBIZ

kylie padilla

PAGKATAPOS nang halos mahigit isang taon na ‘pamamahinga’ sa showbiz ay sinabi ni Kylie Padilla nawallface handa na ulit siyang gumawa ng proyekto. Mag-iisang taon na rin naman ang anak nila ni Aljur Abre­nica.

Ani ni Kylie, isa na lang ang ina-adjust niya ngayon, ang separation anxiety. Simula kasi ng ipanganak ang baby nila ni Aljur ay hindi na ito nawalay sa kanyang paningin. Kahit nga raw nasa kabilang kuwarto lang ang kanyang anak ay nami-miss niya ito agad.

Pero dahilan sa pagbabalik niya ng showbiz malamang ay mawawalay kahit paano ang kanyang anak kung kaya ito ang pinaghahandaan ni Kylie ng husto. Pagdating naman sa kanyang looks, balik na rin sa dati ang kanyang katawan na medyo nadagdagan ng timbang ng siya ay magdalangtao dahilan na rin sa halos hindi na namimili ng kinakain noon si Kylie. Ngayon nga ay balik normal na muli si Kylie sa pagkontrol sa pagkain at pagjo-jogging  ‘pag may free time.

ALDEN RICHARDS MAHILIG SA MGA BATA

ALDENKINAGILIWAN ang post ni Alden Richards kasama si Scarlet Snow Belo sa kanyang Instagram account. Nag-enjoy kasi siyang makipaglaro sa bagets kaya marami tuloy ang nabahaginan ng good vibes dahil sa pagiging bibo ng bata.

Marami tuloy nag­hangad na magkaroon ng kuya katulad ni Alden. Bukod kasi sa thoughtful siya sa mga kapatid, alam ng lahat kung gaano siya kagiliw sa mga bata. Kaya masaya kaming malaman na nakadalaw siya muli sa Holy Trinity Home For Children kamakailan.

Mula kasi nang magsimula siya sa showbiz ay ito na ang napili niyang beneficiary at hanggang ngayon ay ito pa rin ang lagi niyang dinadalaw. Naging ka-close na rin niya ang mga batang nandoon, na proud sa kanya dahil hindi nagbago si Alden kahit na ilang taon na ang nakalipas. Hindi nakapagtatakang maraming umiidolo sa Pambansang Bae.

JULIE ANNE SAN JOSE GOOD HEALTH ANG B-DAY WISH

KAMAKAILAN lamang ay nagdiwang ng kanyang kaarawan ang Asia’s Pop sweetheart na si Julie Anne JULI ANNESan Jose at dumagsa ang mga birthday wishes kay Julie Anne mula sa kanyang fans at mahal sa buhay. E ano naman kaya ang birthday wish ni Julie Anne?

“Ang wish ko, sana of course magtagal pa ang “Sunday Pinasaya” and good health para sa akin at sa family ko at sa lahat ng mga minamahal ko sa buhay. Happiness, peace, and love, ‘yun lang po. Hindi naman ako humihingi ng kahit anong materyal na bagay basta ang importante, masaya tayong lahat. Ayon lang po, thank you so much, God bless everyone.”

4 thoughts on “KYLIE PADILLA HANDA NANG MAGBALIK-SHOWBIZ”

Comments are closed.