NATULOY ang kasal ni Kylie Padilla sa matagal na rin niyang boyfriend noon, si Aljur Abrenica last December 11, 2018 sa Villa Milagros ancestral home sa Rodriguez Rizal. Isang pastor ang nag-officiate ng kasal nila.
Naikuwento iyon ni Kylie after ng mediacon ng bago niyang project mula sa GMA News & Public Affairs, ang political romantic-comedy series na “TODA One I Love” na nagpabalik sa KyRu loveteam nila ni Ruru Madrid. Hindi inilihim ni Kylie, na ang pagsasama nila nang hindi kasal ni Aljur at pagkakaroon ng anak nila, ang dahilan kung bakit hindi naging maganda ang relasyon nila noon ng amang si Robin Padilla.
“Kaya naman nang ikasal na kami ni Aljur, nakita ko kung gaano kasaya si Papa,” sabi ni Kylie. “Nakakatuwa nga, wala pa sana kaming balak ibunyag na kasal na kami, pero si Papa, siya ang nag-post sa kanyang Instagram live habang ginaganap ang wedding ceremony namin. Masaya rin ako dahil naroon siya, ang kanyang family at dumating din ang mga kapatid ko from Australia, si Queenie, Zhen-Zhen at Ali.
“After the wedding, ang daming blessings na dumating, at doon ko nalamang marriage is sacred. Tama si Papa, mas tumatag ang bonding naming mag-asawa, it’s magical ang feeling. At sina Papa at Mama ko (Liezl Sicangco), ang advice sa amin, marriage is just a beginning. Nasa amin na ni Aljur kung paano namin paninindigan ang aming pagsasama ngayong blessed na kami ng kasal.”
At isa nga sa blessings na itinuring ni Kylie ay ang pagdating ng proyektong ito, ang “TODA One I Love”
“Masaya ako dahil first time kong magko-comedy, nasanay na kasi akong gumawa ng mga drama series at kasama nga ang “Encantadia”. Naiiba rin dahil ginagampanan ko rito ang role ni Angela “Gelay” Dimagiba, isang strong-willed, independent young woman, na hindi puwedeng lokohin lamang ng mga lalaki, dahil kaya ko silang labanan. Kaya may mga eksena akong napapalaban sa mga gustong umapi sa amin ng mga kasama kong tricycle drivers.”
Kasama nga ni Kylie si Ruru at ka-love triangle nila si David Licauco. Sa direksiyon nina Jeffrey Hidalgo at Nick Olanka, may world premiere na sila simula sa Monday, February 4, pagkatapos ng “Onanay” sa GMA 7.
EB DABARKADS IN FULL FORCE SA RENEWAL NG CONTRACT SA KAPUSO
MULING nag-renew ng contract ang longest-running noontime show, ang “Eat Bulaga,” sa GMA Network kahapon, February 1. Ang show ay nasa 40th year nang nagbibigay ng saya sa lahat ng mga Filipino sa buong mundo at kasama sa tanghalian from Monday to Saturday.
Sa panig ng GMA Network, naroon sina Atty. Felipe L. Gozon, Mr. Felipe S. Yalung at Joey Abacan. Sa panig ng TAPE, Inc, producer ng EB, sina Mr. Antonio P. Tuviera, Malou Choa-Fagar at mga Dabarkads na sina Sen. Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Alden Richards, Maine Mendoza, Allan K, Ryan Agoncillo, Jose Manalo, Wally Bayola, Ruby Rodriquez, Pia Guanio at iba pa.
Comments are closed.