TILA gustong iparating ni Kylie Padilla sa mga ina, tulad niya kung gaano kahalaga ang pagpapa-breastfeed sa kanilang mga anak. Alam ni Kylie ang binibigay na kalusugan ng gatas ng isang ina sa kanilang anak. Kaya naman bilang patunay na sinusuportahan niya ang pagpapa-dede ay ginagawa niya ito sa kanyang first baby boy na si Alas Joaquin.
Sa Instagram post ni Kylie ay walang pakialam ito pagdating sa pagpapa-breastfeed ng kanyang anak. Makikita na ginagawa niya ito kahit sa loob ng toilet. Nakaupo siya sa toilet bowl para lang magpa-dede ng first son nila ni Aljur Abrenica. Patuloy niyang susuportahan ang breastfeeding dahil sa maraming benebisyong makukuha ang gatas ng isang ina sa kanilang anak.
“No plans on stopping anytime soon. #breastfeedingmama.”
Pero hindi pa rin nakaligtas si Kylie sa mga puna ng ilan na bakit daw sa loob ng toilet siya nagpapa-breastfeed. Kawawa raw ang baby dahil maraming germs daw sa toilet bowl at baka raw magkasakit ang kanyang anak.
Pero mayroon din naman positive reaction natanggap sa ginawang iyon ni Kylie. Ang mga tulad lang daw ni Kylie na isang ina ang makaiintindi kung bakit doon sa loob ng toilet niya kailangan magpa-breastfeet ng baby.
Sigurado kami na super linis ang toilet ng tinitirhan nina Kylie at Aljur. Mayroon kasing pamilya na pagdating sa kanilang toilet ay sadyang napaka-linis at mabango. Kaya walang problema sa Kapuso actress na magpa-dede sa kanilang toilet.
Iba na sigurong usapan kapag nakita ninyo si Kylie na nagpapa-dede sa toilet ng isang mall o shopping center.
HEART EVANGELISTA NA-BASH NA MUKHA RAW 50 YEARS OLD
SINAGOT ni Heart Evangelista ang nag-comment sa kanya na mukha na raw siyang 50 years old.
“I feel like I`m 70 years old,” natatawang sagot ni Heart.
Nagsimula ito nang mag-post si Heart ng kanyang larawan habang nagsa-shopping sa isang market area sa Italy na simple lang ang kanyang ayos. Nakabestida at flat shoes kaya siguro ‘yun ang pinagbasehan ng comment ng netizen.
Tila basher lang ni Heart ang nag-comment sa kanya na mukhang 50 years old kaya hindi na kinailangan pang patulan ng Kapuso actress dahil ang kanyang mga follower na ang sumagot at umaway sa netizen.
Nabasa ni Heart ang pagtatanggol sa kanya ng mga follower na natatawa at muling sumagot ng, “I was just trying to make her laugh.”
Tila hanggang ngayon ay ginagawan pa rin ng isyu sina Heart at Marian Rivera lalo na ngayon buntis ang huli. Iniisyu kasi ng kani-kanilang fans ang pagsusuot ni Marian ng flat shoes na hindi raw ginawa ni Heart noong ito ay buntis.
DERRICK MONASTERIO MAS NA-APPRECIATE ANG TALENT NI SANYA
INAMIN ni Derrick Monasterio na nakadama siya ng init sa katawan nang gawin nila ni Sanya Lopez ang mga maiinit na eksena nila sa movie.
“Siyempre, mayroon. Kailangan, e. Hindi puwedeng hindi, kasi girlfriend mo nga eh “At some point, kailangang… ang pangit ng term, eh, pero kailangan, ma-horny ka,” say pa ng machong actor.
Sa tuwing naiisip nga raw ni Derrick ang mga eksena nila ni Sanya ay napapangiti siya dahil napakasuwerte niya both offcam and oncam.
“And parang mas na-appreciate ko si Sanya ngayon kasi hindi naman dahil nakita ko ‘yung body niya, pero mas na-appreciate ko ‘yung talent niya, saka, ‘yung dedication niya sa work. Na ‘yun nga, wala pa siyang experience pero ginawa niya `to for the love of her craft. ‘Yun ang nakakabighani sa kanya more than her physical appearance,” pahayag ni Derrick.
First time din daw niya gumawa ng mga ganoong eksena at kinabahan daw siya sa una. At nagpapasalamat siya sa Regal Films na binigyan siya ng break na maging bida sa isang pelikula.