KYLIE PADILLA NAGNENEGOSYO HABANG NAGDADALANG-TAO

HINDI naging hadlang para kay Kylie Padilla ang kanyang pagbubuntis ngayon sa wallfaceikalawang baby nila ni Aljur Abrenica, para manatili lang siya sa bahay at antayin ang araw ng kanyang panganganak.

Dahil wala sa showbiz limelight ay ibinuhos ni Kylie ang kanyang oras sa pagiging isang ina at asawa. At sa puntong ito napag-isipan ni Kylie na pasukin ang online business.

Sa rami raw kasi ng naipon niyang t-shirts na pambata at pang matanda ay ibinenta ito ni Kylie online. Hindi naman akalain ni Kylie na papatok pala ang naisip na negosyo.

Kaya ngayon, habang nalalapit na ang kanyang panganganak ay double time si Kylie sa pag-aasikaso ng kanyang munting negosyo.  At dahil dumami ang mga order ay nagsimula nang lumaki ang kanyang selling business at mayroon na rin siyang supplier para sa mga malalaking order.

Say pa ng actress,  personal daw niyang pinangangasiwaan ang naisip na negosyo at siya mismo ang nag-eempake nito ng mga ito and ready for delivery.

MARTIN DEL ROSARIO  NAGPAPASALAMAT DAHIL NAIBA NA ANG TEMA NG BASHERS NIYA

AMINADO ang magaling na actor na si Martin del Rosario na nag-iba na ngayon ang tema ng bash na natatanggap niya sa araw-araw. Dati-rati kasi ay panay tungkol sa kanyang tunay na kasarian, dahil palagi siyang may role sa pelikula ng isang gay.

Ngayon naman ay unti-unti nang nagiging pa-macho ang dating ng kanyang bash. Halos araw-araw ay nakakabasa ng mga pagmumura si Martin dahil sa kanyang pagi­ging super bad na kontrabida kay Alden Richards sa “The Gift” ng GMA-7.

Ani ng actor, dahil sa rami ng kanyang mga negatibong comment ay mas lalo siyang na-inspire sa kanyang role. Hindi kasi pinepersonal ni Martin ang mga hindi magagandang komento sa kanya.

Mas natutuwa siya dahil ang mga hate message na natatanggap niya ay patunay na nadadala niya ang viewers sa kanyang character sa “The Gift”.

Ganun na lang din ang saya ani Martin nang sorpresahin siya sa isang munting salo-salo ng mga kasamahan sa naturang teleserye sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

One thought on “KYLIE PADILLA NAGNENEGOSYO HABANG NAGDADALANG-TAO”

Comments are closed.