KYLIE VERSOZA, JAKE CUENCA ON THE ROCKS

TILA broken hear­ted ngayon si Kylie Verzosa consi­dering na napapa­balitang nag-break na sila ng boyfriend na si Jake Cuenca.

May cryptic tweet kasi ang Miss International 2016 kamakailan na “Broken” Broken.

Si Jake naman, walang bagong post tungkol sa kanilang dalawa. Hindi rin naman mahilig mag-upload si Kylie, in fairness. Yet, naka-follow pa rin sila sa isa’t isa.

Kung break na nga sila o nagkatampuhan lang, sayang naman ang kanilang magandang samahan. Noong June 2020, magkasama sila sa isang condo dahil hindi sila makalabas. Sabi pa ni Jake, parang preparasyon na ito sa pagpapakasal nila ni Kylie. Anyare?

AI-AI DE LAS ALAS KAY AUDIE GEMORA – “HINDI KITA KILALA”

Hindi na nakapagpigil si Ai-Ai delas Alas na hindi sagutin ang post ni singer/direktor na si Audie Gemora sa pagkukumpara sa kanilang dalawa ni Pokwang. Sabi ni Audie, “I always thought Pokwang funnier, more intelligent than Ai2.”

Nasaktan man, heto ang sabi ni Ai-Ai: Una, hindi niya kilala si Audie. At pangalawa, hindi siya naapektuhan.

“Wala akong sakit. Hindi ako nagkaroon ng COVID,” ani Ai-Ai. “Ang mga anak ko, walang sakit. May asawa akong mapagmahal. Napakarami kong blessings, and I hope, siya [Audie] rin. Ginawa tayo ni God in our own unique ways so in God’s eyes, iba-iba tayo. Pati nga fingerprints natin iba-iba. Let’s all speak and claim blessings instead.”

Aniya, isang araw lang ang eleksyon at kung ito ang dahilan ng pagbatikos sa kanya ni Audie, pinatatawad na niya ito.

K BROSAS NAGKA-ANXIETY ATTACK

Inatake pala ng anxiety si K Brosas sa taping ng Lakwatsika ng TV5 kasama si Ethel Booba as main hosts. Ayon kay K, hindi raw niya ine-expect na mangyayari ito habang nasa taping siya mismo ng programa.

“Yung mga medics, mga tao, nataranta. First time itong nangyari sa TV, usually nangyayari sa backstage,” ani K.

Sa Lakwatsika, pupunta sina Ethel at K na parang katulad ng Extra Challenge at Biyahe ni Drew. Ang kaibhan lang, mas masaya ito dahil sina K at Ethel ang host. Spontaneous ang kanilang approach at unscripted, kaya mas exciting.

Enjoy rin daw nila ang programa dahil magkaibigan talaga sina K at Ethel bago pa sila naging artista. Hindi raw naman sila talaga close, pero magaan talaga ang samahan nila.

Sa susunod, gusto raw niyang makasama sa biyahe sa Lakwatsika si Kris Aquino, na nakasama niya dati sa Kris TV ng ABS-CBN.

“Malaki ang utang na loob ko kay Kris Aquino,” ani K. “Sa Kris TV ako namulat sa travel. Ako ang pinagagawa niya ng mga adventures. Si Kris, napakadaling i-please as a friend. Maalala mo lang siya, malaking bagay na sa kanya yun. Kaya hindi ko siya nakakalimutang i-text, flowers, just to remind her na nandito lang ako for her.”

MAINE MENDOZA IPINAGYABANG ANG ABS

Ipinangalandakan ni Maine Mendoza proudly ang sexy niyang katawan at well-toned abs habang naka-bikini sa beach.

Patunay itong hindi lamang beautiful smile ang meron siya kundi sexy body rin. Sabi nga nila, when you have it, fkaunt it.

KIM CHIU NAMIGAY NG FOOD PACKS SA BIRTHDAY NIYA

Isang libong food packs ang ipinamahagi ni Kim Chiu bilang pagdiriwang ng kayang birthday kamakailan.

Ayon sa actress, ang mga food packs ay naglalaman ng noodles, breads and biscuits, at iba pa. Ito raw ang paraan niya ng pagse-celebrate ng kanyang kaarawan, kaiba sa nakagawian nang party.

Kasama ni Kim sa pamamahagi ang long-time boyfriend, na si actor Xian Lim. Ani Xian, isa sa mga nagustuhan niya kay Kim ay ang pagiging “naturally born with a kind heart.”

ANGEL LOCSIN NAMAHAGI RIN NG RELIEF GOODS SA ‘AGATON’ EVA­CUEES SA LEYTE

Muling namahagi ng tulong si Angel Locsin sa mga nasalanta ng bagyong Agaton sa Leyte. Wala siyang balak na iparating ito sa media ngunit may nakakita sa kanya at kinuhanan siya ng video at mga larawan.

Wala rin umanong kinalaman dito ang pulitika, dahil alam naman nating kahit noon pa ay bukas-palad talaga si Angel na tumulong sa mga nanga­ngailangan. Bukod sa pagiging mahusay na aktres, kilala si Angel sa pagtulong ng walang hinihi­nging kapalit. Noong 2020, namigay siya ng relief packs sa mga nasa­lanta ng bagyong Ulysses at nag-donate rin ng P2 million sa mga biktima ng bagyong Odette.

MARICEL LAXA IPINAKILALANG PAMANGKIN NG AMA

Naalala ni Maricel Laxa na nasaktan siya ng labis nang minsang ipakilala siya ng amang si Tony Ferrer na pamangkin sa mga legal niyang anak.

Pero naintindihan daw niyang kailangang protektahan ng daddy niya ang kanyang pamilya. Alam daw niyang mahal siya ni Tony pero nasaktan pa rin siya. Nang mamatay si Tony sa edad na 86 noong isang taon, tinanggap naman daw siya ng maayos sa lamay at lahat ng sakit ay nawala na. Si Maricel ay anak ni Ferrer kay actress Imelda Ilanan.

Sa ngayon, may limang anak na si Maricel kay Anthony Pangilinan, sina Ella, Benjamin, Solana, vlogger Hannah at ang bunsong actor na si Donny.

MAJESTIC SUPERSTAR BAGONG TITLE NI MAJA SALVADOR

Hindi talaga pahuhuli si Maja Salvador dahil sa wakas, may titulo na rin siya – Majestic Superstar – dahil napakahusay naman talaga niya saan man daanin. Sayaw, kanta, pag-arte, wala ka nang hahanapin pa.

Pumirma na rin siya ng kontrata sa TV5, at nangako ang dalagang mas pagbubutihin pa niya ang kanyang performance.

“I work on every project as if it’s my last. I give it my all. I perform with the same level of eagerness as if I was just auditioning for it. My reason for this is that we always have new actors around. We can discover talents even on social media. Also, after each project, I assess the job I did and see what else I can offer,” ani Maja.

DONNY PANGILINAN, BELLE MARIANO – “MASAYA KAMI.”

Okay raw naman at masaya ang samahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa ngayon.  Wala silang inaming sila na nga, pero very close raw sila at ini-enjoy nila ang kung anumang meron sila ngayon.

Ani Donny hinahangaan niya si Belle dahil totoong tao ito at focused sa kahit anong gusto nniyang gawin.

“We’re in showbiz, what can we expect? There’s gonna be voices from everywhere but I always tell her, we tell each other, those voices don’t matter,” ani Donny. “Belle is so talented, she has so much ahead of her and I’m just so happy that I get to witness this journey with her.