HINDI naniniwala ang beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa na pwedeng maging maging magkaibigan ang dating magkarelasyon. Yung pagkakaibigan daw, natapos ‘yon nang maging magkasintahan sila, kaya kapag nagkahiwalay sila, pati friendship, tapos na rin.
Isa pa, kailangang bigyan ng respeto ang susunod nilang magiging karelasyon kaya hindi na dapat maging magkaibigan ang dating kasintahan.
Syempre, pwede raw namang maging civil sa isa’t isa, pero hindi friends na pwedeng magtawagan kahit walang dahilan, o mag-friendly date.
“Bakit pa? Nag-break na nga kasi, bakit magiging friends pa? What’s the use?”
Pero opinyon lang daw niya iyon. Kung gusto ng ibang makipagkaibigan sa kanilang mga naging ex, diskarte nila yon. Basta siya raw, hindi.
Si Jake Cuenca ang huling nakarelasyon ni Kylie at naghiwalay sila noong 2022. Karelasyon ngayon ni Jake si Chie Filomeno at aminado naman si Kylie na may bago siyang non-showbiz boyfriend. NLVN