KYLINE ALCANTARA BANTAY SARADO SA AMA

AMINADO si Kyline Alcantara na hindi pa siya nagkakaboypren pero malakas naman ang tsika nawallface noong nasa ABS-CBN pa siya ay naging sila ng kaedaran niyang si Darren Espanto dahilan na rin sa pagiging close nila sa isa’t isa sa Kapamilya Network ‘pag magkasama.

Ayon naman kay Kyline, si Darren kasi ay crush niya sa showbiz noong nagsisimula pa lang siya kung kaya noong pinagsama sila nito ay naging masaya si Kyline at nakatrabaho niya ang crush. Naging close man sila pero hindi naman daw naging sila, sa kadahilanan na batang-bata pa raw si Kyline that time, edad 13. Ngayon dalagita na siya, sino naman kaya ang bago niyang crush?

Locally at hindi raw playing safe, after Darren Espanto ay wala na siyang naging crush sa local actor pero pagdating sa Hollywood actor, hindi raw nagbabago ang pagkakaroon niya ng crush kay Benedict Cumberbatch, mas nakilala sa movie ng ‘Avengers’ bilang si Doc Strange, na halos kasing tanda na ng kanyang mga magulang.

Say pa rin ni Kyline, at age of 16 ay wala pa rin daw siyang naging boypren pero may mga nanliligaw. ‘Yun nga lang daw agad-agad din ‘nawawala’ dahil daw siguro sa takot ng mga ito sa kanyang ama. Kasama si Kyline sa “Studio 7” na mapapanood every Sunday Night sa GMA7.

PAGBABALIK-SHOWBIZ NI HEART EVANGELISTA WALA PANG LINAW

HEART-EVANGELISTAMALAMANG ay matatagalan pa bago bumalik sa showbiz itong si Heart Evangelista. Una na ngang nagpaalam si Heart sa showbiz world nang planuhin nila ng asawang si Sen. Chiz Escudero na bumuo na ng sariling pamilya.

Sa kasamaang palad naman ay ‘nalaglag’ ang pinagbubuntis na kambal ni Heart. For moving on ay inaliw ni Heart ang sarili sa pamamagitan ng kanyang pagpipinta at hilig sa fashion shows. Ngayon marami na ang nagsasabing ready na ulit itong si Heart na magbuntis at kahit paano ay matatag na rin sa pinagdaanan.

Pero mukhang malabo naman na mapanood muna si Heart ng kanyang mga tagahanga at followers sa teleserye o shows sa GMA-7. Dahilan sa nagbigay ng kanyang total support si Heart sa mister sa plano nitong pagtakbo bilang Sorsogon Governor. At dahil nga sa nag-file na ng kanyang candidacy itong si Sen. Chiz ay wala nang urungan ang pagbabalik ni Sen. Chiz sa bayang sinila­ngan, sa Sorsogon at doon ay simulan ang pangangampanya. At dahil sa total support si Heart sa mister ay malamang na sasamahan ni Heart ang mister nito sa pangangampanya.

Sa ngayon ay marami na ang nagsasabing o humuhulang malamang ay matatagalan na ulit bago magbuntis si Heart dahilan na maselan magdalang-tao si Heart at kailangan niya ng complete rest kung sakaling gustuhin niyang magdalang-tao muli. Alam naman ng lahat na very stressful ang campaign period ng mga kandidato, so malamang out na muna for the meantime ang plano ni Heart na maging isang ina at lie-low na muna siya sa showbiz world.

One thought on “KYLINE ALCANTARA BANTAY SARADO SA AMA”

Comments are closed.