TINAMBAKAN ni Kiefer Ravena at ng Shiga Lakestars ang Kyoto Hannaryz, 95-72, sa Japan Professional Basketball League (B.League), Linggo sa Kyoto City Gymnasium.
Sumandal ang Shiga sa malaking second half run na nagbigay sa kanila ng hanggang 30 puntos na kalamangan makaraang umabante lamang ng isang puntos, 42-41, sa half.
Nanguna si Sean O’mara para sa Shiga na may 22 points at nakakuha siya ng suporta mula sa apat na iba pang Lakestars na kumana ng double-figures sa scoring.
Gayunman ay hindi kasama rito si Filipino import Ravena na tumapos na may 6points, 4 rebounds, at 3 assists.
Umangat ang Shiga, na nagwagi ng apat na sunod, sa 5-1 habang nahulog ang Kyoto sa 2-4. Tinalo rin ng Shiga ang Kyoto sa kanilang unang paghaharap noong Sabado, 84-83 win.
Susunod na makakasagupa ng Lakestars ang Nagoya Diamond Dolphins, na may Filipino import rin sa katauhan ni Ray Parks, sa October 23.
Samantala, naitala ng Levanga Hokkaido ang come-from-behind win laban kay Kobe Paras at sa Niigata Albirex BB, 72-69.
Kumamada si Paras ng 18 points sa three-of-seven treys, at kumalawit ng 4 rebounds.
Umabante ang Niigata ng hanggang 18 points sa kaagahan ng second period, 27-9, bago nadominahan ng Hokkaido ang koponan ni Paras.
Makakabangga ng Niigata ang SeaHorses Mikawa sa Biyernes.
Your writing is perfect and complete. baccarat online However, I think it will be more wonderful if your post includes additional topics that I am thinking of. I have a lot of posts on my site similar to your topic. Would you like to visit once?
239958 856749Superb editorial! Would like took pleasure the certain following. Im hoping to learn to read a great deal much more of you. Theres no doubt that you possess tremendous awareness and even imagination. I happen to be extremely highly fascinated using this critical details. 740100
997320 753403Your writing taste has been amazed me. Thanks, quite nice post. 85200