ITINALAGA ang magaling na singer at biriterang si KZ Tandingan bilang isa sa mga music ambassador ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Ito na ang ikalawang taon ni KZ bilang music ambassador ng NCCA at ayon sa singer, pro bono o walang bayad ang kanyang bagong papel sa nasabing ahensiya.
“This is an advocacy and hindi rin kayang tapatan ng salapi ang platform na ganito and I think, kahit hindi ako naging ambassador ng NCCA, I think it is my responsibility na i-promote ang ating kultura,” aniya.
Happy naman si KZ dahil mainit ang naging pagtanggap ng mga tao bilang tagapagtaguyod ng Original Pilipino Music.
“Karangalan po sa akin na, in my own way, makapagbigay ako ng contribution kung paano pa maisusulong ang ating music, ang OPM na bahagi ng ating kultura,” sey niya. “Thankful din po ako, kasi like last year, napakarami ang ibinunga ng aming efforts. So, this year, we’re just continuing the tradition. Kumbaga, we’ll just keep doing what we’ve started,” dugtong niya.
Masaya rin siya dahil sa pamamagitan ng musika ay nalilinang ang kanyang sining.
“Masarap rin sa pakiramdam na you were given this platform para maka-influence pa sa mga kabataan when it comes to music,” paliwanag niya.
Bukod kay KZ, ipinakilala rin si Julie Anne San Jose at Catriona Gray bilang bagong ambassadors ng National Commission for Culture and the Arts.
Speaking of movies, dahil sumabak na siya sa pag-arte sa pamamagitan ng kanyang unang pelikulang “The Art of Ligaw” kung saan nakatambal niya si Epy Quizon na ipinalabas noong nakaraang taon, wish daw niya na magtuloy-tuloy pa ito.
Comments are closed.