La Fortuna, a touch of Greece in Batangas

LUMAKI ako sa Nasugbu, Batangas kaya kilalang kilala ko ang Fortune Island na kilala rin sa tawag na La Fortuna sa aming mga locals. Dati, walang nagmamay-ari nito at libre kaming nakakapunta dito kahit anong oras o araw na gusto naming dahil meron kaming mga basnig (large fishing vessels). Walang namamay-ari sa isla, pero bigla na lamang, nagkaroon ito ng titulo at nagging pag-aari na ng mga Leviste. Kung ano ang story behind ay hindi ko alam dahil bata pa ako noon, pero noong 1995, sinimulan na ang construction nito bilang isang exclusive luxury resort sa pangalan ni dating Batangas Governor José Antonio Leviste. Sa kanyang proyekto, pinagmukha niya itong classical Greek – siguro, nakapamasyal sa Greece at na-impress siya ditto – kum,pleto pa ng imitasyon ng Acropolis na nasa talampas na nakaharap sa dagat Pacifico.

Ngayon, jhindi na libre sa Fortune Island. Kailangan mo nang magparehistro at magbayad ng entrance fee na P300/person for a day trip o P400/person for overnight. Magrerenta ka ng Bangka na P3000-4500/boat for day trip; P4500-6000/boat for overnight. Wala na kasi kaming basing.

Si Leviste ang major stock holder, pero yung ibang shares daw, ibinenta ni Leviste para nga maipagawa ang acropolis imitation. Sinabi ko na ngang ang alam naming lahat na taga-Nasugbu ay walang nagmamay-ari sa isla at nagging pagmamay-ari lamang ito ni Leviste dahil dinaan ito sa “scheming procedures” para mapatituluhan.

Isinara ang resort noong 2006 dahil sa sunud-sunod na kamalasan. Bad investment daw Para naman sa mga taga-Nasugbu, kinarma lang si Leviste. Pero sa totoo lang, ang pinaamalaking dahilan kung bakit hindi masyadong dinadayo noon ang La Fortuna ay dahil wala itong kakayahang magkaroon ng ready source of fresh water. Mayaman man o mahirap, kailangang uminom ng malinis na tubig. Isipin mo ma lamang kung gaano karaming tubig ang kailangang dalhin patungo sa isla kung meron kang sampung guest. Sa inumin pa lamang, mahihirapan na, paano pa ang pampaligo, panlinis ng cottages at panlaba ng mga bedsheets?

Day tour lang ang ginawa ng Barcelon siblings at sapat na ‘yon, pero kami, nag-overnight ng kami para maranasan kung paano ang island life kahit isang gabi lang. Walang kuryente at gripo – what do you expect? Bring your own tent din na tutulugan. Walang bathroom kaya matuto kang mag-relieve sa tabi-tabi. Marami ring basura sa beach at kailangan mong magtsinelas o magsoot ng aqua shoes kung gusto mong maglakad-lakad. Kung mahilig ka sa something unique, para sa’yo ang La Fortuna.

Ito yung island na masasabi mong very cheap dahil entrance at bangka lang ang kailangan mong bayaran, pero mag-i-enjoy ka naman ng husto lalo na kung kasama mo ang mga friends mo na mga mahilig sa adventure. Halos tatlong oras ang byahe going to that island at maalon ang dagat, pero kapag nandon na kayo, it’s worth it . Take note, sabi ng Mommy ko, may mga white sharks daw sa paligid ng isla. In fairness, wala akong nakita. KNM