“LA GRETA KATAS NG SABONG INAYUDA SA PRESS”

faceup

MATAGAL nanahimik si Gretchen Barretto dahil may pan­demya, pero nuong nakaraan buwan, nag-viral si La Greta dahil nakunan siya ng litrato na may hawak na manok na may tari sa isang bigtime derby kasama ang businessman na si Atong Ang. Magkasosyo sila sa online sabong at iba pang E-games.

Naghilom na ba ang intriga sa Barretto sisters dahil kay Atong?  Just asking? Pero, ang kanyang pamangking si Nicole ay may kimkim pa ring sama ng loob!

Dahil magkasosyo nga sila ni Atong, natural, nagmo-monitor siya sa live streaming ng sabong. May alaga pa siyang manok na pinangalanan pa niyang lady tiger. Aktwal siyang nasa sabungan. Susme, bakit naman kaya ang magandang ate nina Claudine at Marjorie e sabong pa ang naisip pagkakitaan?

Parang lucky charm siguro siya ni Atong kaya close sila ngayon. Sabagay, maraming naloloko ngayon sa online sabong, artista man o ordinar­yong mamamayan. Meron namang instant yaman dahil dito. Ang malaking tanong, kumusta na ba ang relasyon nila ni Tonyboy Cojuangco? Truelala ba na hiwalay na sila pagkatapos ng lampas dalawang dekadang pagsasama? Hindi kasi sila makapagpakasal dahil hindi pumayag ang original wife ni Tonyboy na i-annul ang kanilang kasal.

Kapansin-pasing ma­dalas magkasama sina Atong at La Greta sa mga five star hotels, mamaha­ling resorts at big derby. Kamakailan, namudmod siya ng ayuda sa mga pi­ling piling entertainment writers. May nagbiro tuloy — bongga si Greta, milyones ang kinita sa sabong kaya may I-shared niya sa shobiz.

Opps, may mamanukin kaya siyang politiko na ilalambing sa mga showbiz writers? O baka naman si Atong mismo.

***

PACMAN STOP NA SA POLITIKA, TULOY ANG PAGBOBOKSING

ISANG kaibigan na­ming nasa Amerika ang close kay senador Manny Pacquiao. Madalas siyang pumunta sa bahay ng aktor/politiko sa Beverly Hills. Lagi raw may meeting si Pacman pero hindi niya kinalilimutan ang prayer meetings, kasama si Jinkee at kanyang mga anak.

Madali raw itong na­kapag-adjust siya sa kanyang pagkatalo pero wala pang balak bumalik sa Pilpinas. Basta pagbalik daw nito, may desisyon na siya kung tatak-bong presidente sa 2022 elections o tatakbo na lang muli bilang senador, o hihinto na siya sa politika.

Bitin moments ito para sa mga followers ng Pambansang Kamao, pero, ayon sa aming amiga, may plano siyang maki­pag-rematch kay Ugas. Ayaw pa niyang magretiro sa boksing. Gusto raw ni Manny na patunayang kaya pa niyang labanan uli ang Cuban boxer. Numero lang daw ang edad at malakas pa ang kanyang katawan. Kulang lang daw siya sa praktis kaya siya natalo.

Balikan natin uli ang simula ni Pacman. Dati siyang kargador ng prutas sa Tupi, South Cotabato, nakarating sa Metro Manila, at naging panadero. Nag-training siya ng pagbobok­sing sa Mondejar Gym sa Paquita, Sampaloc, Manila at may nakilalang promoter. Nakakasabay ko pa noong kumain sa Bulaken­ya Resto sa J. Barlin si Manny.

Pinasok din niya ang pag-aartista sa movie na “Di Ko Kayang Tangga­pin,” kasama sina Mikey Arroyo at April Boy Regino (RIP). Isa ang inyong lingkod sa mga PRO ng Worls Arts Cinema.

Malayo na ang nara­ting ni Pacman. Totoo, ang Diyos kapag nagbigay ng biyaya, siksik, liglig at umaapaw. Sana lang, huwag siyang magbago at patuloy siyang tumulong sa mahihirap. Ang nakapagtataka lang, binili niya ang lupang kinatitirikan na Mondejar gym, tinayuan ng seven story building na tinawag niyang MP To­wer, pero binenta sa isang chinese businessman.

Dalawang beses nang isinapelikula ang buhay niya pero nakukulangan ang inyong lingkod. Sadya bang may kabanata ng buhay niya na ayaw niyang maalala?

6 thoughts on ““LA GRETA KATAS NG SABONG INAYUDA SA PRESS””

  1. 372751 292725Hiya. Extremely cool website!! Man .. Beautiful .. Wonderful .. I will bookmark your internet site and take the feeds additionallyI am happy to uncover numerous useful info here within the post. Thank you for sharing 76872

  2. 836956 896644 I discovered your weblog internet site on google and check several of your early posts. Continue to maintain up the extremely great operate. I just additional up your RSS feed to my MSN News Reader. Seeking forward to reading a lot more from you later on! 489139

  3. 546787 463121I actually adore the theme on your site, I run a web site , and i would adore to use this theme. Is it a free of charge style, or is it custom? 194541

Leave a Reply

Your email address will not be published.